40: her life

16 2 0
                                    

Ako? Ako lang ang tanging paraan para mahanap si mommy at daddy? Anong makakaya ko e hindi ko alam kung anong magagawa ko.

"Please, apo. Just say yes.. please.. I really miss my daughter so much, nag-aalala na ako dahil baka may nangyari na sa kanyang masama.."

"Bakit hindi mo gamitin ang kapangyarihan mo para hanapin sya?" Hindi powers na may lumalabas na kung ano ano sa katawan what I mean is iyong kapangyarihan nya bilang isang Reyna. Sabi niya mayaman sya? Bakit hindi niya gamitin iyon para hanapin ang ina ko? Bakit ako pa?

"Ginawa ko na, pero walang resulta. Nagtapon na ako ng mga guards sa halos lahat ng bansa para lang mahanap sya pero uuwi silang walang Ulanni na kasama. Kaya ang huling paraan para makita ko siyang muli ay ikaw. Sumama ka sa akin at ipapakita ko sayo kung ano talaga ang katayuan mo sa buhay. Hindi bilang isang ordinaryong tao kundi isang prinsesa.." wth? Princess? I am a princess?

"Anong magagawa ko?"

"your birthday is coming,right?" I nod. Baka nakuha nya ang impormasyon na iyon kay ate Frances. "Papayag ka ba?"

"Paano si Ate Frances?"

"She will stay, pero susuportahan ko sya at mang-iiwan ako ng ilang bodyguards to protect her."

Huminga ako ng malalim. "Okay."

- - - - - - -
Third person's pov

Nakasakay na sina Vanessa sa pribadong eroplano ng lola niya. Nasa labas ng bintana lang ang paningin niya at walang imik. Naiisip niya kasi kung ano-ano ang mga posibleng mangyari kung nasa poder sya ng lola niya. Hindi pa rin sya makapaniwala sa nasaksihan niya. Sya isang prinsesa?! Totoo pala iyon?! Nangyayari pala iyon sa totoong buhay?!

Nakaramdam sya ng antok kaya walang pagdadalawang isip na ipinikit niya ang kanyang mga mata. Madali lang naman syang makatulog e kapag ipipikit niya ang kanyang mga mata.

Naglakbay ang isip niya at napanaginipan niya ang isang lalaking hindi man lang maaninag ang mukha niya. Sobrang labo nito pero alam niyang lalaki ito dahil sa tindig nito. Nasaan ba sya? Ang huling naalala niya ay nasa pribadong eroplano sya ng lola niya pero nasa isang magandang lugar sya na napapalibutan ng mga nagagandahang mga bulaklak ang nasa paligid niya. Nakarating na ba sila sa Mindanao? Kung saan nandodoon ang palasyo at ang totoong pamamahay niya?

She was about to approach that unknown guy pero naunahan sya ng ibang tao, isang babae at hindi sya nagkakamali dahil si Ysha ang babaeng iyon. Sino ba ang kausap niya? Bakit ang lungkot ng mga mata ni Ysha at parang umiiyak sya?

"Bakit hindi mo ako mahal? Akala ko ba mahal mo ako?" Umiiyak na tanong ni Ysha at sinapo niya ang sariling mukha at humikbi ng humikbi. Shit! Anong eksina ito? Bakit parang nangyari na rin ito sa totoong buhay?

"Yes, I love you, Ysha...." hinawakan ng lalaki ang magkabilang kamay ni Ysha para hawiin ito sa mukha niya. "But as a friend.."

Mas lalong dumaloy ang mga luha ni Ysha pero hindi sya nagsalita. "I'm sorry, pero nangako na kasi ako sa sarili ko na ang taong dadalhin ko sa lugar na dinala ni daddy si mommy ay ang taong mamahalin ko habang buhay." Si Zach? Parang hindi makapaniwala si Vanessa na si Zach pala ang lalaking iyon.

Nabigla si Vanessa ng ituro sya ni Ysha. "Sya ba? Bakit sya pa,Zach? Pwedeng ako nalang?" Nakikisap na aniya at hinawakan ang mga kamay ni Zach. "Ako nalang Zach please..hindi ka naman niya mahal e, heto ako oh, mahal ka..ako nalang Zach.."

"I'm so sorry, Ysha. Ayaw kong saktan ang damdamin mo."

"Pero nasasaktan na ako! At dahil iyon sayo!" Sigaw ni Ysha. Bigla syang tumakbo papalapit kay Vanessa at hinawakan sa kamay tsaka hinila papalapit kay Zach. "Van, please. Sabihin mo kay Zach na hindi mo sya gusto, na hindi mo sya mahal.." nakikiusap na sabi ni Ysha pero hindi man lang makaisip ng salita si Vanessa sa kanyang utak.

Ang alam ni Vanessa na may nararamdaman sya kay Zach pero inaalala niya rin ang nararamdaman ni Ysha kay Zach.

Tumingin si Vanessa kay Zach. "A-akala ko ba, nagkamali ka ng isinama nung p-pumunta tayo sa Oslob..h-hindi ko m-maintindihan Zach?" Iyan ang mga salitang bigla nalang nailabas ni Vanessa sa kanyang bibig.

Narinig niyang napabuntong-hininga si Zach. "Oo sinabi ko nga iyon pero.."

"Akala ko na nagkamali ka kasi ang isinama mo ay ako na bestfriend mo lang?"

"Oo...pero hindi ikaw ang tinutukoy ko, Bumalik ako doon Vanessa at nagsama ako ng babaeng sisiguraduhin kong mamahalin ko habang buhay." Hindi maintindihan ni Vanessa kung ano ang nararamdaman niya pero sumisikip ang dibdib niya at nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Sino iyong babaeng iyon?

"I'm so sorry,Van. Pero hindi kita mahal."

Huling sinabi ni Zach bago nagising si Vanessa ng may umuuga sa balikat niya. Si Avantika. Nakangiti siyang nakatingin kay Vanessa. "Nandito na tayo,apo."

Inilibot ni Vanessa ang paningin niya at Mindanao na talaga sya. Ang bilis naman ata? Bumaba na sila pero ang bigat bigat ng pakiramdam ni Vanessa. Naiisip niya pa rin kasi ang panaginip niyang iyon.

Pero nawala kaagad iyon nang makita niya ang isang malaking gate na gawa sa gold at may nakasulat na Alina's mansion. Wow. Sobrang ganda ng paligid. Pinagbuksan sila ng mga bodyguards doon kaya pumasok na sya. At mas lalo pa syang namangha dahil sobrang daming mga paro-paro ang lumilipad sa paligid at ni isang basura ay wala syang makita. Naramdaman niya ang akbay ng lola niya kaya tinignan niya ang lola niya. "Welcome home, apo."

Napagdesisyunan nila na pumasok na sa loob dahil ililibot pa nila si Vanessa sa loob ng bahay. Syempre, kulang ang isang araw para libutin ang palasyo na iyon dahil sa sobrang laki. Ang daming chandelier na nakasabit at may red carpet pa. Maganda rin ang mga gamit na nandidito na parang gawa sa matibay na bagay at hindi talaga kakitaan ng mga alikabok. May isang malaking picture frame akong nakita sa harapan ko at si lola iyon kasama ng mommy ko. Halata ngang ina ko sya dahil magkatulad kami ng mukha.

"La, ba't wala po si lolo?" Takang tanong ko habang ang paningin ko ay nasa picture frame pa rin.

"Naghiwalay na kami ng lolo nung bata pa ang mommy mo, he never loved me." Nakangiting sabi niya ng ibaling ko ang paningin ko sa kanya. "Kaya napagdesisyunan ko na makipaghiwalay na sa kanya kasi alam kong umiepal ako sa relasyon nila ng babae niya na mahal niya talaga, sumisingit ako dahil nga mahal ko sya pero nung malaman ko na buntis ako at buntis ang babae nya pinapili ko sya sa aming dalawa ng babaeng iyon at hindi ako ang pinili. Ayos na rin iyon, kahit wala na kami ng lolo mo okay lang kasi may Ulanni naman akong mahal...kaya mahal na mahal ko ang anank kong iyon..Maya!" Sigaw ng reyna at may lumabas na isang babaeng katulad lang ng edad ni Vanessa.

"Mahal na reyna, ano pong maipaglilingkod ko?"

"Ilibot mo sa buong mansion itong apo ko.." tumango si Maya at sumunod si Vanessa para maglibot sa buong palasyo.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon