33: pain & my feelings

16 3 0
                                    

Aalis na sana si Zach pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Ano bang klaseng selos iyan? Kasi isa ka rin sa mga dahilan kung bakit nalilito ako ngayon..ipinaparamdam mo na parang iba iyong mga meaning ng mga actions at sinasabi mo...saan ka ba nagseselos?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong sa kanya. Naiinis na ako kasi palagi niya nalang akong iniiwan ng mga katanungan sa utak ko.

Nakatitig lang sya sa akin. Ilang minuto kami na nasa ganung posisyon ng higitin ng ang braso niya sa hawak ko.

"Nagseselos ako kasi iyong bestfriend ko patuloy pa rin palang umasa sa nakaraan niya.." malamig na sabi niya at nangunot ang noo ko tsaka hindi ko maintindihan kung bakit sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggap na bestfriend niya ako. Ano naman bang drama sa buhay ito? Pinilit kung maging kalmado pero sa totoo lang gusto ko ng isigaw ang mga panunumbat na pedeng isumbat kay Zach. "Akala ko ba hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananatili ka doon.. kailangan mo lang talagang tulungan ang sarili mo para umangat at magbago..diba sinabi mo iyon? Nasaan na iyon?"

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatingin sa kung saan. Hindi ako makatitig sa mga mata niya. Gusto ko talaga siyang sigawan dahil nasaktan ako nung mga salitang..

'Pero mukhang nagkakamali ako, kasi ang kasama ko ngayon ay ang nag-iisang babaeng....bestfriend ko lang'

"Bakit Zach mahirap ba akong pakisamahan para lang bitawan mo ako ng mga masasakit na salita?" Wala sa sariling tanong ko. Hindi ko alam kung bakit lumabas iyon sa bibig ko. Masyado lang siguro akong nasasaktan dahil sa sinabi niya. Halos hindi ako makatulog dahil doon sa mga salitang binitawan niya. Tumatagos iyon sa puso ko at nakakaramdam ako ng sobrang kirot. "P-paano ako makakamove-on kung ang mga taong naging parte ng buhay ko ay ipaparamdam na naman sa akin kung paano ang umasa?" Naiiyak na sabi ko. "Sobrang bobo ko ba para ganituhin ako? Sobrang bobo ko ba para mahulog sa mga patibong ninyo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya at tignan siya sa mga mata niya.

"Ano bang sinasabi mo diyan,Vanessa? Wala namang nagtulak sa iyo na magkagusto ka sa isang tao e, kasi nararamdaman mo iyon,ikaw ang nagdesisyon nun. Wala namang nagsabi sa iyo na umasa ka kasi ikaw mismo, naghahanap ka ng isang bagay na nakakapagpaasa sayo..." seryosong sabi niya para matawa ako ng mapait.

"Wow, ganyan nalang pala kadali sa iyong bitawan iyan noh?..." lumunok ako saglit pero nangilid pa rin ang mga luha sa mga mata ko. "Ganyan nalang talaga kadali sa iyong saktan ako...sa pagpapasakit ba sa damdamin ko lalago ka? Yayaman ka?! Kasi kung oo, well congrats kasi nasasaktan ako ng sobra sa mga salitang binitawan mo! Masaya kana?! Palagi mo akong pinipili kung sya ba o ikaw tapos kapag pipiliin kita, saan pa e katulad ka lang din naman nila na sinasaktan ang damdamin ko!! Palagi nalang kayo naghahanap ng isang bagay na aasa ako! Mga gago kayo!" Inis na sigaw ko at tumalikod.

Naglakad ako papaalis, bumaba ako ng hagdan at sa hindi inaasahan ay may nabangga ako. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Zail na may nagtataka at magkahalong pag-aalala sa tingin niya.

"Are you o—" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil kaagad ko siyang niyakap.

"Ilayo mo ako dito please.." pagmamakaawa ko. Hinahagod niya ang likod ko.

"Tara..." kumalas ako sa yakap namin at sumunod sa kanya. Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa gate. Hindi pa man kami nakakalabas ng hinarang na kami ng guard doon.

"Hindi kayo pwedeng lumabas.." may ipinakita si Zail sa kanya na naging dahilan para maging balisa siya. Yumuko siya kay Zail. "I'm sorry po maam.." pagpaumanhin niya at kaagad na binuksan ang gate.

"Let's go?" Tumango nalang ako at naglakad na kami papalabas ng gate papunta sa parking lot.

Nang makarating ay pumasok ako kaagad sa kotse niya. Ayaw kung magmaneho. Piling ko kasi pagod ako at gusto kung magpahinga.

Nagmaneho na si Zail at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Basta malayo sa lugar na ito ay ayos lang sa akin. Basta malayo kay Zach...

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin kami sa BAR?! nanlalaki ang mga matang tinignan ko si Zail.

"Don't tell me nag-iinom ka?!" Hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses dahil sa sobrang gulat. Natawa si Zail at umiiling.

"Hindi ako umiinom.. tara na baba na tayo.." nauna na siyang bumaba kaya sumunod na rin ako sa kanya.

"E, ano ngayon ka lang iinom ganun?"

"Hindi nga, aakyat tayo sa hagdan na iyan oh!" Itinuro niya ang isang hagdan na malapit lang sa bar.

Wala na rin akong nagawa kundi ang sundin siya. Naglakad na kami papaakyat sa sementong hagdan na iyon. Tahimik lang at wala ni isa sa amin ang gustong magsasalita.

Ilang minuto ay nakarating na rin kami.

Wow... hindi ko akalain na may ganitong lugar pa pala malapit sa bar. Iyong bar na pinuntahan namin ni Zach noong may inuman sa mga kaklase namin na kaibigan na rin namin. Iyong bar na kauna-unahan akong hinalikan sa noo ni Zach. Sobrang linis ng paligid at para na naman ako nasa bundok. Nakikita ko na ang mga matatayog na buildings, mga bahay na may iba't ibang kulay, mga kahoy na naglalakihan at ang dagat na malinis tignan ay nakikita ko ngayon. Sobrang fresh rin ng hangin. Sobrang ganda. Para akong bumalik sa Oslob.

Naupo kami sa isang monoblock chair na nandodoon. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang nasa paligid ko, hindi nagtatanong si Zail sa nangyari at nagpapasalamat ako dahil nirerespeto niya ang desisyon ko. Nilingon ko si Zail na tahimik lang ding pinagmamasdan ang paligid.

"I'm sorry..." mahinang sabi ko. Ibinaling naman niya ang paningin niya sa akin.

"Para saan?" Nakangiting tanong niya.

"Sorry kasi natarayan kita noong huling pag-uusap natin tungkol kay Steve.."

Ngumiti sya ng tipid. "Wala iyon, hindi naman big deal sa akin iyon."

Ngumiti na rin ako sa kanya. "At...salamat na rin kasi dinala mo ako dito.."

"Hahaha! Wala 'yon, syempre kaibigan kita e.." nagngitian kami at balik na naman sa pananahimik habang pinagmamasdan ang paligid.

"Ang totoo, lately ko lang nalaman na hindi ko talaga gusto si Steve masyado lang talaga akong humanga sa kagwapuhan niya..." kwento ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "May g-gusto ka ba sa kanya?"

"Wala..sinabi ko naman sayo na hindi ako magkakagusto sa kanya kasi ayaw ko sa ugali niya.."

Playboy?

"Actually, si Rhysen pa rin pala talaga iyong gusto ko pero hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kapag nagbibitaw ng masasakit na salita si Zach sa akin na hindi ko naman pinapansin iyon noon.. kahit sabihin niya pa akong manhid o kaya ay bobo dahil nahulog sa kaibigan niya pero hindi ko pinapansin iyon, not until now.."

"Sino si Rhysen?"

At ikwenento ko sa kanya kung sino si Rhysen. Lahat lahat ng nangyari sa amin ni Rhysen noon ay ikwenento ko sa kanya. Minsan natatawa sya sa mga kwento ko sa mga kabaliwan namin ni Rhysen pero nalulungkot din nung kwenento ko iyong tumawag si Rhysen sa akin at nagmakaawa ako na balikan niya ako.

"Iyan ang mahirap kapag nagmahal ng isang taong..bestfriend mo. Hindi lang siya ang mawawala sa iyo pati na rin ang pagkakaibigan ninyo.."

Tinignan ko siya at tinignan niya rin ako.

"hindi mo na kasalanan iyong nahulog ka sa kanya kasi alam mong iyong utak mo ay sinasabi na itigil mo iyan kasi mali pero ang dinidikta ng puso mo ay iba, sige lang basta masaya ka."

Chasing The BulletWhere stories live. Discover now