29: It hurts

28 2 0
                                    

After kung pakinggan ang lahat ng kwento ni Ate Frances ay tulala lang ako habang nasa loob ng sasakyan. Nakaupo ako sa passenger seat pero lumalakbay ang utak ko sa mga sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kisame ng sasakyan at pinahid ang mga luha na nagkukumuwala.

Bakit? Bakit ako pa? Bakit kami pa?

Bata pa lang ako nung hilingin ko na sana ay may mommy at daddy ako na susuportahan ang lahat sa akin, kasi elementary pa lang ako iyong ate ko lang ang palaging umaakyat sa stage kapag may award akong nakuha. Sa graduation ay sya lang din ang kasama ko.

Kailanman ay hindi ko maalala na nakita ko na ba ang parents ko. Wala akong imahe nila sa utak ko. Blangko.

Tok tok tok

Napalingon ako sa bintana ng may kumatok doon. Pinahid ko ang mga luha na nasa pisngi ko at inayos ang sarili ko. Binuksan ko ang bintana at pilit ipinakita kay Zach na okay lang ako.

"Bakit ka nandyan?" Nagtatakang tanong niya.

Tumawa ako. "Baka kasi ma out of place ako doon sa loob haha! Kakatapos lang din naming mag-usap ni ate Frances.."

Isinandal niya ang isang kamay sa bintana. "Oh,anong sinabi?"

"N-nangungumusta lang sya..at ikwenento ko sa kanya ang lahat ng napuntahan natin ayon n-naiingit d-daw sya haha.." pagsisinungaling ko. Hindi pa ako handa na sabihin kung ano man ang napag-usapan namin ni Ate Frances kasi sabi niya hangga't maari ay pwedeng saaming dalawa na muja daw ang napag-usapan namin. Nangako ako at paninindigan ko ang pangakong binitawan ko.

Tumawa din siya. "Pinilit ko naman na sumama sya pero sabi niya para daw mas makabonding tayong dalawa." Natatawang aniya kaya binigyan ko sya ng pilit na ngiti. Natahimik kami saglit. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang isasagot ko. "Bumaba ka na muna dyan, may pupuntahan tayo na alam kung maeenjoy ka panigurado.." siya ang nagbukas ng pintuan at kahit sa konting ginawa niyang iyon ay napagtanto ko na may isang kaibigan pa ako na nanatili sa tabi ko. Tiniis ang minsang hindi niya maintindihang ugali ko.

Bumaba na ako sa kotse at pumasok muna kami sa loob dahil magpapaalam muna kami sa ante niya.

"Tita, may pupuntahan lang kami ni Vanessa.." katabi ni Tita ay si Dan na nakahiga sa sofa at busy pa rin sa pagsosoundtrip.

"Mabuti kung ganun.." hinarap niya si Dan. "Hindi ka ba sasama sa kanila?"

Tinanggal ni Dan ang headphone niya. "Why would I?"

"Tita, okay lang.." nilingon kami ni Tita at pilit na ngumiti.

"Tsk! Naa mana sila'y mga tiil!" [may mga paa naman sila!] Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Pero base sa ekspresyon ng mukha ng mommy nya ay hindi iyon maganda. Hindi nalang sya sinagot ni Tita. Tumayo si Dan at naglakad papaalis.

"Hayss, pagpasensyahan niyo na si Dan.."

"Okay lang po.." saad ni Zach.

"Sige na, maglibot na muna kayo para maganda ang pagpunta ninyo dito.." tumayo si Tita Elen sa sofa at naglakad papunta sa kusina.

Hinawakan ni Zach ang kamay ko at pinisil iyon. "Tara na?" Tumango ako at naglakad na kami papalabas ng bahay.

Pagkalabas namin ay nadatnan namin si Dan na nakaupo sa may hagdan at nagsosoundtrip pa rin. Tinapik sya ni Zach sa balikat. Inangat ni Dan ang paningin niya kay Zach.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon