7: I don't care

41 4 1
                                    

KINABUKASAN..

Himala at napaaga ang gising ko kaya naman napaaga rin ang pagpasok ko sa school.

Pagkarating ko pa nga doon ay kaonti pa lang kami. Nandoon na rin si Zail pagkapasok ko ng school. Nang makita niya akoy ngumiti sya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya. Hindi pa naman ako nakakaupo sa upuan ko ay naglakad na ang mga paa ko sa deriksyon ni Zail.

Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay nagsalubong kaagad ang kilay ko. Hinawakan ko ang baba niya at tinignang maigi ang gilid ng labi niya.

"Tsk! Ang lakas palang manampal ng baklang boy na iyon! Nang iwan pa ng pasa!" Naiinis na singhal ko.

Iniwas naman niya ang paningin niya. "Bakit nga ba naghahabol pa iyon sa'yo?"

Tinignan niya ako pero tahimik lang syang nakatingala sa akin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Umupo ako sa upuan na katabi niya.

"Bakit ka nga pala lumapit sa amin?" Malumanay na tanong niya at hindi ko man lang kakitaan na naiinis ba sya o ano.

"Kasi sinisigawan ka niya!"

"Sanay na ako."

"Pero ako hindi! Lalo na sa mga katulad mo! Oo! Alam kong hindi tayo close kasi kahapon pa lang kita nakilala pero alam mo yun..? May something sayo na gusto ko! Gustong gusto kita maging kaibigan kaya nainis ako bigla sa ex mo na sinisigawan ka!" Inis na sigaw ko at inalala ang nangyari kahapon.

"Hindi ko sya ex.." tipid na sagot niya at nakita ko naman ang pagdahan dahang pagyuko niya at nilalaro ang dalawang kamay niya.

Nakatitig lang ako sa mukha niya at hindi malaman kung ano ang isasagot.

"Totoo iyong sinabi niya kahapon..boyfriend ko pa nga sya..pero ang sakit lang isipin na may kami pero nakahanap pa sya nang iba..kaya umalis ako ng hindi nagpapaalam at hindi sya hinihiwalayan..lumayo ako at piling ko single ulit na ako kasi wala sya sa tabi ko..pero ang totoo kami pa talaga.. kumbaga iyong break up na nangyari sa amin ay sa utak ko lang iyon ginawa..ayaw ko na masyado na akong pagod para masaktan.." may bahid na lungkot na saad nya at tinignan ako. Ngumiti sya ng tipid sa akin. "Kaya deserved ko itong pasa na ito."

"Kahit na, sinaktan ka pa rin niya oh! Namamaga pa iyan!" Turo ko sa pasa niyang namumula at namamaga ng kaonti.

"Wala lang ito sa sakit na dinanas ng puso ko..kung ano man ang nakikita mong pasa sa gilid ng labi ko..malayong-malayo ito sa pasa na natamo ng puso ko.." seryosong saad niya.

Nararamdaman ko ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Kasi kahit ako, dinanas ko ang masaktan. Lahat naman ng tao makakaranas talagang masaktan kasi may puso sila. Kahit gaano pa kapangit ang ugali mo kung pagmamahal na ang pag-uusapan, iiyak at iiyak iyan. Kahit gaano ka pa katalino kung pag-ibig na ang pinaguusapan, ang nagiging bobo ka. Kasi pagmamahal iyan e, walang makakatumbas at makakatalo..pero isang bagay lang ang alam kung makakahilom ng sugat sa puso mo, isang taong tama para sayo.

Nagsidatingan na ang ibang mga kaklase namin kaya umupo na ako sa upuan ko at sakto naman ang pagdating ni Ysha kasama ni Zach.

Pagkatapos na inilagay ni Zach ang gamit niya sa armchair niya ay lumapit sya sa akin.

"Gooooddddd morningggggggg!!!" Masayang bati ko sa kanya kaya ngumiti sya sa akin.

"Ba't masaya ka ngayon?" Nagtatakang aniya at umupo sa upuan na nasa tabi ko.

"Hindi ko rin alam e.." masaya pa ring sambit ko. "Uyyyyyy!" Panunukso ko sa kanya.

Nangunot kaagad ang noo niya at binigyan ako ng nagtatakang tingin. "Ikaw ah! Hindi mo naman sinabing dumidiskarte ka na kay Ysha.." nanunuksong saad ko at sinulyapan pa si Ysha na busy kakacellphone.

*poink!

Ibinalik ko kay Zach ang paningin ko. "Ba't nambabatok ka?!"

"Kasi kung ano-ano iyang pinagsasabi mo..diskarte diskarte tsk! Hinding hindi ako magkakagusto sa kanya.. hinding hindi mangyayari iyon.." sabi niya at nagkibit-balikat nalang ako kasi wala naman akong maisagot.

Nagsimula ang klase at puro discuss lang ang nangyayari at naboboring naman akong makinig sa klase hanggang sa sumapit ang recess.

"Tara na sa canteen." Saad ni Zach at tumayo naman ako.

Saglit ko pang tinignan si Zail pero nahagip nang paningin ko si Ysha na parang kawawang bata na nakatingin sa amin.

Naawa ako sa kanya kasi wala siyang kausap dahil ang mga katabi niya ay hindi niya pa kilala.

"Gusto mong sumama?" Nakangiting tanong ko sa kanya at tumango naman sya tsaka tumayo at naglakad papalapit kay Zach.

'Ako iyong nang-imbita e..'

Naglakad na kami papunta sa canteen.

"Bakit mo pala isinama iyan?" Nagtatakang bulong ni Zach sa akin.

Tinignan ko naman sya nang inosente. "Bakit hindi?"

"Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa kanya diba?"

"E hindi naman ikaw ang nag-imbita sa kanya ah, ako naman iyon. Tsaka isa pa, bakit ba ayaw na ayaw mo sa kanya e ang bait nung tao oh"

"Tsk! Ayaw ko pa rin sa kanya.." iyon lang ang nagpatuloy na sya sa paglalakad. Nasa unahan kasi namin si Ysha.

Nang makapasok kami sa canteen ay naghanap agad ako ng mauupuan at nang may makita akong bakante ay nagtungo ako doon at sumundo naman si Ysha sa akin habang si Zach ay pumipila para bumili ng makakain namin.

"Ganyan talaga kayo ka close na dalawa noh?" Biglang tanong ni Ysha habang napapasulyap pa kay Zach na pumipila.

Nanaatili lang akong nakatingin sa kanya. "Kasi, alam mo namang maraming nagkakagusto dyan sa 'kaibigan' mo at baka isipin nila na may 'kayo' kahit 'wala' naman diba?" Hindi ko alam kung napapraning lang ba ako o sadyang may diin talaga sa pinagsasabi niya.

Gusto ko mang ipakita sa kanya ang pagkaiis at pangungunot ng noo pero mas pinili kung magmukhang kalmado kahit ang toyoo ay gusto kong manapak ng tao ngayon.

"Isipin na nila ang gusto nilang isipin, wala namang mawawala sa amin..hindi naman magbabago ng isip ng mga tao ang pakikisama ni Zach sa akin.." malumanay na usal ko at iniwas ang paningin sa kanya.

Chasing The BulletWhere stories live. Discover now