32: Ideal

17 3 0
                                    

After two months

October na pala ngayon. Hindi na ulit sya nagparamdam matapos ng pangyayaring yon. Ilang ulit kung gustuhin na tawagan sya pero naiisip ko pa lang iyong pagmamakaawa ko nasasaktan lang ako. Galit rin si Zach sa akin kung bakit ko ba daw pinipilit ang sarili ko sa taong iniwan na ako. Hindi ko naman kasi maiiwasan iyon lalo na't naging parte na si Rhysen sa buhay ko. Sa loob ng dalawang taon naghintay ako sa kanya na magparamdam, iyon rin lang ang kauna-unahang pagpaparamdam niya sa akin ulit.

Nasa garden kami ni Ysha at Zach ngayon. Lunchtime na kasi namin ngayon. Nagtatawanan silang dalawa at sumasabay naman ako paminsan-minsan pero saglit lang at tutunganga ulit. Iyon ang ginagawa ko sa tuwing maalala ko sya. Alam na rin ni Ysha na tumawag si Rhysen sa akin pero hindi niya alam iyong nangyari sa akin. Ayaw ko na iyong pag-usapan pa. Pagod na ako.

"Vanessa.." napabaling ang atensyon ko kay Ysha ng bigla niya akong tawagin. "Okay ka lang?"

Okay lang ba talaga ako?

"Ah..oo.." sagot ko nalang. Nahagip naman ng paningin ko si Zach na salubong ang kilay na nakatingin sa akin kaya iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya.

"Diba dapat maging masaya ka kasi tumawag si Rhysen sayo?" Takang tanong ni Ysha.

Sana nga masaya ako nung tumawag sya. Pero masaya naman ako nun e...sana.

Napabuntong-hininga ako at pilit na ngumiti sa kanya. "Masaya naman ako, nakakalungkot lang k-kasi.... hindi na naulit iyon." Kasinungalingan na may halong katutuhanan. Nakalilito man pero totoo.

"Ayieeeeeeeee! Ikaw ah! Sya pa rin pala talaga..paano naman si Steve kung ganun? Alam mo naman nanliligaw na iyon sayo.." kinikilig na ani Ysha.

Sa nagdaang mga buwan inamin na ni Steve na may gusto sya sa akin. Syempre masaya ako pero sa kabila ng kasiyahan ko ay hindi iyon umaabot sa mata ko. Ewan ko ba, nakakasawa ang pagiging sweet ng isang tao. Nasasawa na ako sa palaging bigay niya ng flowers e last time nga tinapon ko ang flowers na binigay niya kasi mabaho. Paulit-ulit iyon sa tuwing binibigyan niya ako ng flowers. May stuff toy syang binigay sa akin at nagustuhan ko naman iyon pero nakakainis na rin kasi minsan ang pamimigay niya ng kung ano-ano sa akin. Hindi naman iyon ang gusto ko sa isang tao, ayaw ko na ipaparamdam niya sa akin na gusto niya ako sa paraan na pagbibigay sa akin ng kung ano-anong bagay kasi ang totoong pagmamahal ay hindi bumabase sa bagay bumabase ito sa kilos na ipinapakita.

"Ewan ko." Tipid na sagot ko at iniwas ang paningin sa kanya tsaka tumulala na naman.

Sa tingin ko crush ko lang talaga si Steve. Hindi gusto o mahal. Humanga lang ako sa kagwapuhan niya at alam kung iyon lang. At hanggang doon lang iyon. Pero hindi ako nagsisisi na nakilala sya kasi sya lang ang taong nagpaparamdam sa akin ng ganun.. may bestfriend naman akong Zach pero hindi naman sya katulad ni Steve. Malayong malayo si Steve kay Zach.

At malayong malayo si Steve kay Rhysen.

"Sasagutin mo ba si Steve,Van?" Biglang tanong ni Ysha. Naipaisip ako. Sasagutin ko ba sya? Kasi kung oo, baka mag-assume sya na mahal o may gusto talaga ako sa kanya na ang alam ko ay paghanga lang. Naalala ko pa noong minsan na magkasabay kaming kumain, nasabi ko sa kanya na gusto ko sya pero noong mga panahon na iyon ay nalilito pa ako sa nararamdaman ko at ngayon sigurado na talaga akong paghanga lang ang nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko naman syang paasahin e.

"Ewan." Tipid ulit na sagot ko. Hindi ko rin kasi alam kung anong mangyayari sa susunod. Baka biglang magbago ang pananaw ko tapos nagdedesisyon ako ng hindo sigurado. Ayaw ko rin namang nagsisinungaling kasi mali iyon.

"Bakit ba sya na naman ang topic nyo? Hindi ba kayo nagsasawa sa mukha nun? Pareho na ba kayong naghahabol sa tukmol na yon?" Parang nandidiring sabi ni Zach at naglilipat ng tingin sa aming dalawa ni Ysha.

Natawa naman si Ysha. "Okay, sabihin na nating may itsura talaga si Steve ideal guy ng nakakarami pero hello! Hindi ako magkakagusto sa kanya, okay? Hindi sya iyon mga tipo ko.."

"Ano ba ang mga tipo mo?" Tanong ni Zach. Gusto ko namang matawa kasi he's stating the obvious!

"Iyong mga katulad mo." Sabi ni Ysha na prangka. Natigilan naman si Zach sa sinabi niya at tsaka pinalo niya pa ang braso ni Zach. "Joke lang!"

"Tch! Buminta!" Sarkastikong anas ni Zach pero napatawa nalang si Ysha.

"E ikaw ba anong mga tipo mong babae?" Biglang tanong ni Ysha. Grabe namang magtanong ito napakaprangka. Pero gusto ko ang paraan ng pagtatanong niya kasi malumanay. Parang anghel ang nagsasalita sa harapan ko ngayon.

"Iyong hindi mahinhin...madaldal at palangiti..kahit na hindi maganda sa panlabas na anyo okay lang sa akin basta pinapasaya ako.." kumabog nalang nang mabilis ang tibok ng puso ko ng tinignan niya ako sa dalawang huling salita na sinabi niya.

Anong tingin-tingin niya dyan?

Nakatitig lang kami sa isa't isa pero mga ilang segundo lang iyon bago ko iniwas ang paningin ko.

"T-tara na? Bumalik na tayo sa classroom?" Sabi ni Ysha at tumayo na tsaka pinagpagan ang palda niya. Tumayo na rin si Zach at inilahad ang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo pero tinanggihan ko nalang iyon at tumayo ng kusa. Duh! May mga kamay ako okay?

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom at kapansin-pansin ang pananahimik ni Ysha. Ano naman kaya ang nangyari nito? Sobrang daldal niya kanina lang pero bigla na namang tumahimik? Weird.

Nauunang maglakad si Ysha sa amin ni Zach. "Ayos ka na ba?" Tanong ni Zach at sumulyap sa akin.

Yumuko lang ako at nagkibit-balikat. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko. Ayos lang ba ako? Oo at hindi! Ayos lang naman ako ngayon pero sa tuwing naiisip ko si Rhysen bumabalik lang ang katangahan ko at hindi ako ayos sa lagay na iyon.

Hindi pa rin naman napag-uusapan iyong nangyari last weekend. Nagtatanong naman si Zach nun pero hindi nalang ako sumagot kasi ayaw kung magsinungaling ng walang dahilan.

Narinig kung napabuntong-hininga si Zach at hindi na rin nagsalita pa. Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa classroom. Nauna nang makapasok si Ysha sa room at akma na sana akong papasok nang bigla nalang hilahin ni Zach ang kamay ko at ipinaharap sa kanya. Nasa gilid lang kami ng pintuan.

"Ano bang meron sa kanya na wala sa akin?"

Lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

"What do you mean?"

Bigla syang sumeryoso at hinampas ang pader.

"Kasi sa tuwing sya nalang ang pinag-uusapan, nakakalimutan mo na ako. Hindi pa ba ako sapat para manatili sa tabi mo? Bakit ba palagi ka nalang umaasa sa taong wala na at iniwan ka? Bakit ba kung sino iyong wala sila pa ang hinahanap? Nandito naman akong bestfriend mo pero iyong bestfriend na iniwan ka naman ang hinahanap mo... Vanessa! Manhid ka ba?! Hindi mo ba nararamdaman na nagseselos ako?!"

Chasing The BulletWhere stories live. Discover now