43: x-mas party

14 2 0
                                    

Christmas party na ngayon pero parang walang buhay si Zach na bumangon sa kama niya at nagtungo sa banyo na parang walang buhay dahil sa sobrang tamlay. Christmas party na ngayon pero wala pa rin syang balita tungkol kay Vanessa. Naiinis rin sya sa sarili niya kasi sinisisi niya ang biglaang pag-alis ni Vanessa. Hindi man lang sya nakaramdam ng excitement. Ayaw niya ngang pumunta sa party ngayon pero pinilit sya ng mama niya.

Bumaba na sya sa hagdan at nadatnan ang mommy niya na may kausap ang sa phone.

"Ma, alis na po ako." Nilingon siya ng mommy nya at hinalikan sa pisngi tsaka nagmamadaling umakyat sa kwarto niya.

Isinukbit na nya ang bag niya at naglakad papalabas ng bahay at nagtungo sa garahe. Sumakay na sya sa motor niya at pinaharurot iyon papunta sa school. Ilang saglit pa ay nakarating na sya sa parking lot at naiparada na ang kotse nya ng maayos. Napalingon pa sya sa parking area ni Vanessa pero blangko iyon at nakaramdam na naman sya ng lungkot. Napabuntong-hininga sya at naglakad papasok sa campus.

Kumatok sya ng tatlong beses sa pintuan dahil sarado na ito at dahan dahang bumukas ang pintuan at niluwa doon ang gulat na mukha ng guro nila. "Mr. Dela Cuesta.."

"Hi po, maam. Merry Christmas po." Magalang na sabi niya pero mapapansin ang tamlay sa boses niya.

"Come in." Nakangiting sabi ng guto.

"Continue the party maam.." sabi niya nalang at nagtungo sa upuan nya tsaka pinanood ang mga kaklase niyang masayang naglalaro sa gitna.

"Hey." Nilingon niya si Ysha na may dalang foods. "Smile ka naman dyan.." ngumiti sya ng pilit. "Foods?" Inalok sya ni Ysha pero tumanggi lang sya. Wala syang gana. Naramdaman niyang umupo si Ysha sa isang upuan na nasa tabi niya. "Alam mo, hindi magiging masaya si Vanessa kung malalaman niya ang bestfriend niya ay malungkot."

"Bakit niya naman mararamdaman iyon e kahit paalam nga lang hindi niya nagawa." Mapait na ani ng binata.

"Everything happens for a reason, Zach." Sensirong sabi ni Ysha at tumingin sa kanyang mga mata.

Napailing si Zach. "I know, pero ganun nalang ba ako mahirap pakisamahan kasi maski text o tawagan man lang niya ako ay hindi niya nagawa?"

Hindi nakasagot si Ysha at nanatili itong nakatitig sa mga mata ni Zach. Nasasaktan si Ysha kasi iyong taong gusto niya ay hindi sya gusto. Sana ako nalang, Zach. Hindi kita iiwan at mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal mo sa kanya. Basta piliin mo lang ako. Gusto ilabas ni Ysha iyan sa bibig niya pero naisip niya baka sya na naman ang masasaktan. Palagi nalang talagang sya e. Kung sino pa iyong taong gusto niya ay hindi man lang sya sasaluhin. Tatlong taon na ang nakalipas pero sya pa rin ang gusto niya. Hindi nga nya maiwasang sisihin ang puso niya kasi napakaloyal nito at hindi man lang marunong magkagusto sa iba. Kasi ang sinisigaw lang ng puso niya puro pangalan lang ng taong hindi man lang sya kayang magustuhan. Napaiwas nalang sya ng tingin nang makaramdam ng paninikip sa dibdib. Sana ako nalang si Vanessa.

Hindi niya mapigilan ang hindi mainggit pero naisip niyang kaibigan niya rin iyon at ayaw niyang may masira sa pagkakaibigan nila ng dahil lang sa isang lalaki. "Gusto mo talaga sya noh?" Huli na para takpan ni Ysha ang bibig niya dahil lumabas na iyon.

Kung iniisip nang iba na kontrabida sya dahil sa paghaharang niya sa pagitan nina Vanessa at Zach. Mali sila, hindi kasalanan ni Ysha na magkagisto sya kay Zach kasi alam niyang kahit kailan ay hindi sya magugustuhan ng taong ito, ibigay man nya ang best niya hindi pa rin iyon maaappreciate kasi ang taong gusto niya hindi sa kanya nakatuon ang atensyon nito.

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon