36th Fall

1.5K 39 2
                                    

36th Fall



My head and my body ached from the impact. Pero hindi ko nainda ang sakit na nararamdaman. Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo. Alam kong nagsgasan ang mga tuhod ko mula sa malilit na bato sa lapag.

Natutop ko ang bibig habang pinagmasdan ang hotel. I took a few steps.

"Ate!"

My sister is inside! Bago nangyari ang pagsabog ay nakita ng dalawang mga mata ko na nasa loob ang kapatid ko. I was supposed to grab a hard hat and give it to her. Pero hindi ko iyon nagawa dahil sumabog ang hotel.

"Ate Amanda!" I scream on top of my lungs. Halos natipalok na ako sa pagtakbo palapit sa gumuhong hotel.

Isang matigas na braso ang pumulupot sa bewang ko. Hindi ko ito nilingon. Nagpumilit akong kumawala. My sister is freaking inside! I have to get her there. She's there.

"Ate! Ate! Bitawan mo ako!" Sigaw kong muli.

Pinihit niya ako nito paharap sa kanya. My tears came falling down. My body started to shake too. Rigo is the one pulling me from running towards the hotel.

"Bitawan mo ako! Nasa... nasa l-loob si Ate," Pumiyok na ang boses ko sa mga sinabi.

Nagpumilit muli akong kumawala sa kanya pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sa akin. I can't fight him because he's stronger.

"Please..." I started to sob so hard. "Let me go!"

He cupped my face. Hinarap niya muli sa kanyang mukha. His face is serious, almost angry.

"Stop, Amara. You can't fucking go there, it just collapsed." Aniya sa matigas na boses. "It's fucking dangerous, baby," Kumalma ng bahagya ang boses niya sa sumunod na sinabi.

Tuluyan na akong nanghina. Kung hindi lang niya ako hawak ay siguro napaupo na ako sa sahig. Sobrang gabok ng hangin at medyo nalanghap ko ito kaya napaubo ako.

But I don't want to think of myself. I saw it with my two freaking eyes. My sister is inside the hotel without wearing a hard hat. Kahit anong isip ko ng hindi maganda ay iisang resulta lang ang nakikita ko.

Umiling iling ako. No. No. My sister is not dead. She can't be!

Kahit naman hindi kami magkasundo. Kahit minsan ay nagbabangayan. Kahit hindi kami close. She's still my sister after all. Ofcourse, mahal ko ito dahil kapatid ko pa rin.

Hindi ako nakapagsalita. Wala sa huwisyo kong pinagmasdan ang hotel.

I heard a serene coming to our place. Mabilis ang mga nangyari. Ambulance, police and other authorities came here. I saw how a rescue team came running towards the collapsed hotel.

One thing is on my mind. They have to find my sister. They have to find her as soon as possible.

"Where's the head engineer?"

Sabay kaming lumingon ni Rigo mula sa pinagmulan ng boses nito. The workers pointed our direction. Mabilis na naglakad papunta sa amin ang lalaking nagtanong.

"Detective Erwin Funtabelle," Pagpapakilala nito sa amin at nagpakita ng isang identification card patunay sa sinabi niya.

"Pwede po ba kayo makausap?"

Tumango agad si Rigo. Lalayo sana ako mula sa kanya pero nanatili ang braso niya sa bewang ko.

"You're coming with me, baby," Aniya.

Naunang naglakad ang detective at sinundan namin ito. Pumasok ito sa tent kung saan kami nagtatrabaho. Nalingon ko ang paligid habang naglalakad.

Ang iba ay sugatan sa nangyari, ang iba ay hindi makabawi sa gulat nila. Bago kami tuluyang makapasok sa tent ay nakita ko ay ilang body bags na inilalabas mula sa loob ng hotel.

Falling InevitablyWhere stories live. Discover now