2nd Fall

2.7K 61 3
                                    

2nd Fall

"Sino bang tinitingnan mo dyan?"

Napalingon tuloy ako mula sa gate ng MIA patungo kay Porsha. Ang ingay talaga ng kaibigan ko kahit kailan tapos napakachismosa pa!

"Wala!" Sagot ko sa kanya.

Imbis na manahimik at hindi mang usisa ay lalo siyang nagtanong. I sighed as I ignored her.

I really believe in the saying that if it is bound to happen then it'll happen no matter what. At kung makikita ko siya ay makikita ko siya ng hindi gumagawa ng paraan. But my hope is slowly fading. It's been a month since that day yet until now I haven't seen him. Naging gala na nga ako sa buong MIA, nagbabakasali na makasalubong ko siya.

"Sabihin mo na kasi! And you always bring that paper bag with you all the freaking time!"

Ibinaba ko ang tingin sa paper bag na hawak ko. She's right. Hindi ko ito mabitawan simula nung araw na iyon. Ang laman kasi nito ay ang leather jacket niya na pina-dry clean ko pa sa mga kasambahay namin. I treasured it because I will give it back to him.

Inangat ko na lang ang paper bag at niyakap. I can't smell his scent anymore in the jacket but I can perfectly remember and will recognize it easily. His masculine scent.

"May kilala ka bang blonde dito sa MIA?"

Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Porsha sa sinabi ko. She then exaggeratedly fan herself by her hand. She's faking her hyperventilating situation. Hindi ko alam kung matatawa o maasar.

"Lumalandi na si Amara Vallerie! End of the world na ba?" She asked in full sarcasm.

Hinampas ko agad siya at umiling iling sa sinabi niya. Lumalandi? My God! What a word! Landi agad kapag nagka-crush? O may nagustuhan? It was the very first time na nadikit ang salitang ito sa pangalan ko sa isang sentence.

"Just answer me." Sabi ko at hindi ininda ang pang aasar niya.

She then walked in front of me. Mayamaya ay itinuro niya ang isang building, it was the Engineering department if I'm not mistaken. Medyo malayo ito sa High School buildings.

"Rigo Psalm Lexington!"

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nanlaki ang mga mata. How did she knew him?

Porsha looked at me with pity. Tinapik tapik niya pa ang aking balikat. Hindi pa rin maalis ang gulat sa aking mukha.

"Nakakaawa ka, Vallerie. Dito na tayo lumaki sa MIA pero ngayon mo lang siya nakilala? Siguro nung may braces ka pa ay nadadaanan natin sila."

What? Matagal na rin siya rito? Bakit hindi ko alam? Nadadaanan na namin? Porsha seems to know what's on my mind so she answered it for me.

"You're too busy with your books, too busy to study! I remembered one time that their group even sat in front of us in the cafeteria."

Totoo naman ang sinabi niya. Kaya na rin siguro nanlabo ang mga mata ko dahil sa lagi kong pagbabasa. I'm always eager to learn something new each passing day. Wala namang masama sa pagiging tutok sa pag aaral 'di ba?

Falling InevitablyWhere stories live. Discover now