3rd Fall

2.2K 52 0
                                    

3rd Fall


Narinig ko na ang mga boses nila sa dining area namin. I was still breathing hard because I just got out from our personal gym here in the mansion. Ito ang isa sa mga hilig ko maliban sa pagbabasa. I love working out and sweat a bit.

Pinagpasiyahan ko muna na umakayat sa kwarto ko para makapagpahinga bago tumungo sa hapag. Ate Amanda is here so they won't look for me.

Unlike me, my sister always get all the attention she wants. Magaling siyang makipag socialize kaya hindi mahirap na makuha niya ang atensyon mo. She loves it but for me, I don't like it. Just thinking that those eyes are staring to me, it's making me want to be eaten by the ground. I specifically don't want to talk to someone I just met.

Paano na iba ang nangyari sa amin ni Rigo? I instantly blushed as I remembered it. Kamusta na kaya siya? Does he work already? Or he went overseas?

A knock from the door took me back to reality. My gorgeous sister walked in. Ako naman ay nag aayos pa lamang dahil kakalabas ko pa lang galing bathroom. I took a quick shower.

"Our parents are looking for you." She said as she sat down to my sofa.

Napatawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya. It's not true. They'll never look for me if she's here.

Ang Ate Amanda ko ay tapos na sa pag aaral. She took Hospitality and Management because she's going to inherit our business. But I heard she wants to have her MBA in a prestigous school in Europe. Gusto niya mag masteral bago i-handle na ng tuluyan ang aming hotels and resorts.

Gaya ng sinabi ko kanina ay magkaibang magkaiba kaming dalawa. Lalo na sa pananamit. Porsha likes my sister's fashion sense. She's very sophisticated in every designer clothes she wears. Actually, she wanted to be a fashion designer but she had to accept her responsibilities as the first born.

"Just follow me downstairs. Pinaghihintay mo kami." She sharply said before standing up.

Pinagmasdan niya muna ako. Matapos ay umikot ang paningin niya sa loob ng kwarto ko. Tumigil siya ng matagal sa isang cabinet kung nasaan ang mga certificates at medals na natamo ko sa pag aaral. She then rolled her eyes before walking out.

Napabuntong hininga naman ako sa ginawa niya. Ayokong lagyan ng masamang ibig sabihin ang mga kinilos niya kanina. Somehow, it got to my nerves this time.

I specifically believed that achievements are accomplished through hard work and efforts. Hindi lang ibig sabihin na matalino ka ay matatamo mo na iyon. Hindi. Aanhin mo ang talino kung tamad ka naman. Wala rin itong silbi. I think I heard that advice from one of my teachers. Since then, I applied it to myself.

Ate is smart. Maybe smarter than me. But somehow, her laziness got the best of her. Kaya minsan ay napagkukumpara kami ng pamilya namin. Lagi siyang nagagalit kapag ako ang napupuri. Kaya nga mas pinipili ko na lang na manatili sa isang sulok at hindi umimik tuwing may events kami. Or better yet, I don't attend anymore.

If she wants the attention, she could have it and it won't matter to me.

Kahit labag sa loob ko ay sinundan ko siya pababa. Habang naglalakad ako ay rinig ko na ang mga tawanan nila. Kaya bakit pa ako hahanapin?

"Amara, darling!" My mother exclaimed the moment I walked in to the dinning area.

Lumapit ako sa kanya para halikan siya sa pisngi.

"Good morning, Mama." Bati ko bago bumaling sa aking ama.

I also kissed his cheeks that made him smile.

Falling InevitablyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz