29th Fall

1.6K 40 7
                                    

29th Fall



"Hey sis!"

Ate was smiling from ear to ear as she tried to approach me. Ako naman ay tumayo na sa kinauupuan at nagsimula nang maglakad palabas. I know she's trying to catch my steps.

"Morning, Ate," Walang gana kong bati sa kanya. Patuloy lamang ako sa paglalakad habang nakasunod siya sa akin.

"Can you do me a favor?"

Tumigil ako sa paglalakad. I glance at her in confusion written in my face. Is this really my sister? And she's asking for a favor? Really?

"Don't look at me like that!" Sabi niya at bahagyang napatawa.

Seryoso ko pa rin siyang tiningnan. May lagnat ata siya. O hindi. Malay ko pero nakakagulat talaga siya ngayon.

"What is it?" Tanong ko.

May inilabas siyang papel mula sa bulsa. It was golden card or a invitation itself for a charity ball. It was written in that card. Tumaas ang isang kilay ko sa kanya habang kinuha ito sa kamay niya.

"Be my proxy in the party, I have an important business conference out of the country this weekend."

I examined the invitation a bit. Matapos basahin ang ilang details dito ay tumango ako sa kanya. Siguro ay dadaan ako sa mall para bumili ng formal dress for this event. Puro pang work ang mga damit ko sa closet dahil nga trabaho lang ang ipinunta ko dito sa Pilipinas. And I will be leaving in two months time.

"I'll go,"

She jumped in happiness. Ang OA lang nung reaksyon niya pero hindi ko na ininda.

"By the way, Rigo's gonna be your date."

"What?!" I said, almost a shout in surprise.

"You'll go together. Thank you, sis!" Dagdag pa niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Pero bago pa ako makaangal ay nakatakbo na ito papasok ng mansion. Is she plotting something? Nakakapagtaka talaga ang mga kinikilos niya pati ni Rigo.

Well, I still have two months to know about that before I go back to New York.

Pagkarating ko sa site ay dumaretso agad ako sa tent namin. Pagkapasok ko ay nakita ko na may mga workers na nakapalibot sa desk ko. Anong meron?

"Val!" Ate Liera called me.

"What's going on?" Kuryosong tanong ko sa kanya.

Hinila niya ako palapit sa desk ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa nakita. A bouquet of sunflower and a huge box. Nahagip ng aking mga mata ang maliit na card na nakapatong sa box.

Wear this.

Wow. So precise. Yet those two words brought some emotions to my heart. I know it's from him. Nasabi na siguro ng kapatid ko ang tungkol sa charity ball na dadaluhan namin kasi wala ito.

Inangat ko ang tingin at hinanap si Rigo. Agad ko naman siyang natagpuan sa table niya na may kausap na isang engineer. Pero ang mga mata niya ay nakatingin sa akin.

Nung magtagpo ang mga mata namin ay bahagyang tumaas ang isang gilid ng kanyang mga labi. I simply pouted so I could hide my smile. But I know he knows it because it is evident to my eyes.

Oh God! I will be honest that I'm feeling that called thing 'kilig'

"Bongga ka, Engr.!"

Falling InevitablyWhere stories live. Discover now