19th Fall

1.7K 46 8
                                    

19th Fall



"Vallerie?"

Nakatulala pa rin ako sa cellphone ko kahit kanina pa binaba ni Tobias ang tawag. I'm still shock. At kahit kailan ay hindi ako masasanay na lagi iyong nangyayari.

He almost die again. Ilang beses ko pa dapat masaksihan iyon? Ilang beses pa ako madudurog sa pangyayaring iyon?

It's all my damn choices. I should suffer from it's consequences, me alone, and not others.

"Vallerie..."

Inangat ko ang tingin. I saw Ate Amanda standing in front of me. She was creasing her forehead, probably confuse on my situation. Panigurado akong namumugto ang mga mata ko at nanuyo na ang mga luha sa aking mukha.

"What happened to you?" She said with a hint of being worry.

What happened to me? I want to snickered. She won't even imagine what happen to me. Gusto ko ulit umiyak pero tila naubos na ang mga luha ko.

I really envy her so bad. Sobrang dali para sa kanya ng lahat. Inheriting our business without lifting a finger. Everyone's attention. Rigo's love and she's going to marry him too. Nakakainggit sobra.

Minabuti ko na lang na tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. I felt a sharp pain from my feet. Naapakan ko ata ang mga bubog mula sa basong nabitawan ko kanina. Naglakad ako at nilampasan siya.

"Amara Vallerie!" Tawag niyang muli.

Nilingon ko siya ng bahagya. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya. She was standing against the light.

"Just wait, 'kay? Konti na lang."

I became confuse of her words. She's serious about it tho. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Is she bluffing? I don't have time for that. Anong hihintayin ko? Ang ikasal sila? Funny, Ate Amanda.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran. Kada hakbang na ginagawa ko ay nararamdaman ko ang kirot sa aking mga paa. Tiniis ko na lamang ito hanggang sa makarating sa kwarto ko. Nanghihina akong nahiga sa kama at ipinikit ang aking mga mata.

I won't be able to sleep for sure. Hinding hindi ako matutulog hangga't hindi ko pa alam ang balita tungkol sa kanya. Tobias promise to call again once he gain consciousness. Even tho he told me to sleep first. Baka kasi umaga na rito bago pa ito magising dahil sa nangyari kanina.

I'm just thankful that Tobias is there. He's not alone and it made me calm a bit.

I was still awake until I felt the sun touching my skin. Inimulat ko ang aking mga mata. I grab my phone and checked if there's any message.

Bakit hindi pa rin siya natawag? Sumisibol na naman ang kaba sa dibdib ko. The idea of going back to New York went to my mind.

Sa mga panahong ito ay gusto ko na bumalik ng hindi nagdadalawang isip. Kaso ay may trabaho pa akong tatapusin dito. I need to finish this project. Ito ang pangako kay Papa.

I will definitely cut my ties with them once I get back to New York. Lalakasan ko na ang loob na talikuran sila para manatili na sa America. Hindi na siguro ako babalik dito sa Pilipinas pagkatapos nitong project ng hotel.

I sighed. I should get ready for work. Just think positive, Amara Vallerie.

"Ayos ka lang, Val?" Ate Liera asked me.

I instantly smiled to her so I could assure her that I'm okay.

Nasa tabi ko siya at kasalukuyang may meeting kami. I'm really preoccupied even if I want to focus on my work. I'm still checking my phone from time to time. Hindi ako mapakali.

Falling InevitablyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon