1st Fall

4.4K 76 3
                                    

1st Fall



When I want something, I work hard for it. Sabi nga nila mas masarap ang tagumpay kapag pinaghirapan mo. And I always get what I want.

Pero habang pinagmamasdan ko ang aking kapatid na si Ate Amanda na gulat na gulat sa set up ng mansion ay parang hindi naman totoo iyon.

I can't get what I want specially what I love. Even if I ought to fight for it. I can't.

The proposal was well planned. Everything is magical. Ito ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa bahay namin makalipas ang tatlong taon.

Nagsimula ng tumugtog ang hired band. Naglakad na si Ate patungo sa lalaking may pakana ng lahat ng ito. I could even see tears from Ate's face. She is crying because she's happy. Very happy.

Hinigpitan ko ang kapit sa dulo ng dress ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumutol kahit hindi pa naman nila kasal ito. Pero, nanatili akong nakatayo mula sa malayo. Pinipigilan na maiyak sa eksenang nasasaksihan. Kahit sobrang sakit ay wala akong magawa.

Nakita ko na lumuhod na ang lalaki sa harap ng Ate ko. Mabilis na nanlaki ng mga mata ng kapatid ko at napatingin sa mga taong nakapalibot sa kanila ngayon. My heart clench at the sight today just like three years ago, when I saw them entered the house together. It was the night before I left.

Ang sakit na ipamukha sa iyo na hindi ikaw ang papakasalan niya. Na kahit kailan ay hindi ako ang ihaharap niya sa altar.

"Amanda Veronica Albrecht, will you marry me?"

Hindi ko na kailangan pang marinig ang sagot ni Ate dahil alam na alam ko na ito. Tinalikuran ko na ang eksenang iyon bago pa man makasagot si Ate Amanda.

Naramdaman ko na ang pagdaloy ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. The crowd cheered them to kiss kaya nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Dumaretso ako palabas ng gate kahit na tinatanong ako ni Manong kung saan ako pupunta. I need to get out of there because it's killing me slowly. I need some air because I can't breathe properly.

Kahit masakit ang paa ko ay daredaretso lamang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito. I can't even think properly.

Pagkatigil ko sa isang park ay hindi ko na napigilan na sumabog. Nagsisigaw ako na parang tanga duon. I scream so hard to ease the pain. I needed to vent out everything. Luckily, this place was empty because the sun is about to set.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang lumipas. Sa pagod ko ay napaupo na lamang ako sa isang bench.

Kahit dumilin na ang buong kapaligiran ay hindi pa ako umuwi at nanatili sa park na iyon. Ayoko pa umuwi, hindi ko pa kaya. I don't want to be with them as they celebrate. Baka mamaya ay tuluyan ko nang masabi ang nararamdaman ko para kay Rigo.

Napayakap agad ako sa sarili dahil tumatagos na sa suot ko ang malamig na hangin. Naradaman ko na may pumatak sa aking mukha kaya napaangat ako ng tingin sa langit. Mayamaya ay dumami na ang mga butil na nagpatakan.

It's raining and I can't help but remember that started it all. Our first glance, our first encounter.

The rain was the witness when I fell for him inevitably.

Falling InevitablyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon