24th Fall

1.6K 41 5
                                    

24th Fall



Tobias and I became really friends. Nasanay na rin naman ako sa presensya niya. Kahit naiirita pa rin minsan ay hinahanap ko na siya.

Tho, he always say his feelings for me. Kaya lagi ko siyang binabatukan o sinusuntok. Hindi naman kasi nakakatuwa na sinasabi niyang gusto niya ako.

Days passed by. I was really preoccupied by my studies and by Tobias as well. Hindi ko namalayan na halos magtatatlong buwan na ako dito sa MIA New York. Lagi ko rin naman nakakausap sina Porsha at Migo sa video call. Nababanggit ko na rin sa kanila na may kaibigan na ako rito. Aside from Tobias, I became friends with Courtney's group too. Iyong katabi lang ang kwarto ko sa dorm. Halos parehas kasi kami ng subject na kinukuha, tatlo lang ata ang hindi magkatugma.

"So is he your boyfie?"

I glance at Courtney beside me. Nakatingin siya sa isang direksyon kaya naman sinundan ko iyon. Tobias is already outside the room. Nasandal ito sa railings. Nung nakita niya na nakatingin ako sa kanya ay kumaway siya. Ngumiti naman ako bilang sagot. Mamaya ay mahuli pa ako ng prof at malagot ako.

"No, he's a friend," Mahinang sagot ko at pinagpatuloy ang pakikinig sa prof na nasa unahan.

"The guy likes you, I can see it. Why don't you give him a chance?"

I took a quick glance again to Tobias. I shook my head. My heart is like programmed to like one person and he's not him.

Hindi pa naman kasi kami sobrang close nila Courtney para sabihin ko ang naiwan ko sa Pilipinas. Even, Tobias doesn't pry anymore about Rigo Psalm.

"Okay then you should introduce me to him," Iyon ang huling sabi ni Courtney bago nanahimik sa tabi ko.

Hindi naman nagtagal at natapos ang klase namin. Tobias patiently wait for me outside. Saan kaya nakakakuha ng daming pasensya itong gagong ito?

Sabay kaming naglakad nila Courtney palabas. Sila ni Ali ang kasama ko sa klaseng ito. Courtney immediately eyed me.

"Tobias, this is Courtney... and Ali," Sabi ko.

Kahit matagal na kaming magkakasama ay hindi ko pa rin sila formally naipapakilala sa isa't isa. Hindi naman nasama sa akin si Tobias kapag kasama ko ang grupo nila o hindi kaya ay sila Courtney na ang mang iiwan sa akin para makasama ko si Tobias.

"You're a Massen, right? Wow, what a pleasure," Ali dramatically said.

Parehas kinamayan ni Tobias ang dalawa. He just simply nod when Ali said that. Okay... parang hindi ko alam na may something sa apelyido niya.

"Helen are looking for us. We should go," Biglang sabi ni Courtney habang nakatingin sa phone niya.

"See you tomorrow," Sabi ko.

Lumapit sa akin si Courtney at may ibinulong. "He's a catch, girl."

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Tobias kept quiet as they went away. Nanibago tuloy ako na naging tahimik siya. He seems upset.

"What's the problem?" Tanong ko.

"Nothing," Matamlay na sabi niya.

Talagang may problema nga. Hindi naman ako mapalagay dahil sa ikinilos niya. Hinagip ko ang braso niya para matigil siya sa paglalakad.

"What is it?" Seryosong tanong ko.

He sighed heavily. Matapos ay napakamot siya sa batok na parang nagdadalawang isip magsalita.

Falling InevitablyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon