22

35.7K 741 23
                                    


"ALAINA, telepono," sungaw ni Helen sa pinto. Napailing sa nakikitang pamumugto ng mga mata ng dalaga.

"Sino raw, Helen?"

"Nick daw."

She swallowed. Mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga at nagmamadaling tinakbo ang kinalalagyan ng telepono.

"Hello..."

"Alaina?" Nagsalubong ang mga kilay ni Nick sa boses ng dalaga. "Have you been crying?"

"How's my daughter, Nick?" Hindi niya maiwasang hindi suminghot at mamuo uli ang luha sa mga mata. Hindi pinansin ang concern sa tinig ng binata.

"Dammit! Pareho na lang kayong mag-inang umiiyak!" sigaw nito sa kabilang linya. He felt like an ogre.

"Oh, please... bring her back. You're a busy man, baka magkasakit ang anak ko." Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya.

"No." It was spoken with firmness. "I've got plenty of time catching up on with my daughter. Time that you have cheated me out of." Naroon pa rin ang galit sa tinig nito at hindi napigil ni Alaina ang muling mapaiyak.

"But you can come and see her. Ayaw tumigil sa kaiiyak ng anak ko." Binigyang-diin nito ang huling salita. "At huwag mong kalimutang dalhan siya ng gamit. Ipasusundo kita sa driver."Mabilis na ibinaba ni Alaina ang telepono at hindi magkandatuto sa pag-uutos na ihanda ni Helen ang gamit ni Monique. Nakadama ng pag-asang hindi tuluyang mailalayo ni Nick ang anak sa kanya. Hindi gustong aminin sa isip na somehow ay ang anak ang ugnay niya sa binata.

"SINO ang batang iyan, Nick!" manghang tanong ni Sandra sa tagpong inabutan niya sa lanai. Dumating ito sa mansiyon nang malamang hindi papasok ang binata at naroon lang.

"She's my daughter, Monique," sagot ni Nick sa nagmamalaking tinig.

"Daughter!" hindi makapaniwalang sigaw ng dalaga. "When throughout our relationship ay takot na takot kang magkaanak sa akin, 'tapos heto at mula sa kung saan ay may inilabas kang anak!"

Nagkibit ng mga balikat si Nick. Ibinigay ang teether sa anak. "She was conceived before I met you."Hindi makapaniwalang nakatitig sa bata ang dalaga. "Kanino?" she asked calmly.

"Hindi mo kilala."

"Nasaan na siya ngayon? Why didn't you marry her?" Sa pagkakataong iyon ay hindi niya maisip na si Jenny Navarro ang ina ng bata. Sa party sa bahay ng mga de Silva ay narinig niya mula sa grapevine na si Nick ay anak ni Franco Navarro. Nagsasabi ng totoo si Nick nang sabihing kapatid si Jenny noong unang magpunta ang dalaga rito.

Now, she's sorry she didn't believe him. Iyon ang dahilan kung bakit sa galit niya sa binata ay tinanggap niya si Ryan noong araw na iyon. At nahihiwatigan niyang alam ni Nick ang tungkol sa kanila ni Ryan. She could swear she saw someone familiar closed her bedroom door while she allowed Ryan to make love to her.

Subalit iyon ang huling pagkakataong pinahintulutan niya si Ryan na gamitin siya. She couldn't afford to lose Nick. Ryan do not have Jake Atienza's power and money sa kabila ng ito ang totoong anak. And Nick is a gold mine. Pero pagkatapos ng araw na iyon ay nahirapan na siyang abutin ang binata. In fact, they made love only once since then at iyon ay kung hindi pa talaga niya pinilit na mangyari.

Marahil ay magagawa pa niyang maibalik sa dati ang relasyon nila ng binata.

Lumuhod sa tabi ng bata si Sandra at nilaro ito. Si Monique ay napatingin sa dalaga.

"Hello, baby. Come to tita Sandra..."


Sa pandinig ni Monique ay 'tita Andrea' iyon. It sounded familiar at sumama ang bata rito and smiled.

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon