13

29.9K 685 38
                                    


"GOOD morning, Miss Beautiful," bati ni Nick sa sekretarya.

"Good morning, Nick." malapad ang ngiting ibinigay ni Mrs. de Lara sa binata. "Nasa loob si Bernard. Tumuloy ka na."

"Para sa pinaka-efficient secretary na nakilala ko," patuloy ng binata na ibinigay ang isang stem ng rose mula sa likod at inilapag sa harap ng sekretarya.Kumislap ang mga mata ni Andrea pagkakita sa mapulang rose. "Nick, how could you be so sweet!" Kinindatan ito ng binata at nagtuloy na sa loob. Naiwang nakangiti pa rin at nasisiyahan si Andrea.

"Sino ang nagbigay sa iyo niyan, tita Andrea? Ang ganda naman," wika ng isang tinig mula sa likuran at inilapag ang isang envelop sa harap ng matandang babae.

"Alaina!" bulalas ng matandang babae. "Kailan ka pa dumating?" Dinampot ang envelope at tiningnan ang laman. "Ito na ba?"

Umupo sa gilid ng mesa ang dalaga. "Two hours ago. Ano ang tingin mo sa mga larawan, okay ba?"

"Beautiful!" Sinipat nito ang mga litrato. "Ito ang minana mo sa ina mo, Alaina. Photography. Sayang nga lang at..." nagbara ang lalamunan nito.

"Tita, please..." nailang ang dalaga.

Iwinasiwas ni Andrea ang kamay. "Huwag mo akong intindihin. I'm over it a long time ago. I have forgiven them already. Kung humingi ng tawad ang inay mo sa akin, hindi sana siya pumanaw nang maaga. It was guilt that took her life." Puno ng emosyon ang tinig nito. Pagkatapos ay nag-alis ng bara ng lalamunan. "Anyway, are you going to show this to Bernard?"

"Of course. Gusto kong hingin ang approval niya kung aling bahagi ng villa ang maaari kong i-display." Hinaplos ni Alaina ang rose. "From an admirer?" she teased.

Nangiti si Andrea. "From a gorgeous hunk."

Tumaas ang kilay ng dalaga. "Ow? Don't tell me na wala na sa mga Fortalejo ang loyalty mo ngayon when it comes to physical looks, tita?" natatawang sinabi ni Alaina. Wala sa loob na nilaro ang petals. Sa loob ng isang taong mahigit na pananatili niya sa tiyahin ay nalaman niya kung gaano ka-loyal si Andrea sa mga Fortalejo. Para dito, ang mga Fortalejo ay rare breed of good-looking men.

"They still top my list but it doesn't mean na isinara ko na ang mga mata ko sa ibang adonis na nilikha ng maykapal."

Bumunghalit ng tawa si Alaina. If there's one thing that she liked most about her mother's sister ay ang hindi niya pagkadama rito ng age gap. Not to mention her being romantic most of the time.

"And who is this gorgeous?" She's still smiling. "Will I get to meet him, tita? Kasingguwapo ba ni Nathaniel o ni Zandro?"

"Ang VP-GM ng kabilang kompanya. But I think he left office and Bernard will have his hands full in choosing someone to take over."

"Well, he is as gorgeous—and a hunk, dear. And younger. And you'll meet him later." Tumingala sa pamangkin si Andrea. "I wonder why you didn't considered Bernard handsome?"Nagkibit ng mga balikat si Alaina. "Oh, yes, pero..."

"You gave Bernard all the adjectives para sa isang lalaki na nasa dictionary maliban lamang sa salitang guwapo," dugtong ng matanda.

She frowned and pout her lips. "But it doesn't mean he's less attractive. Of course not. In fact, there's something about your big boss na hindi ko kayang ipaliwanag. Some animalistic kind of..." muli siyang nagkibit ng mga balikat.

"I know what you mean. Well, I'm telling you all these. Bernard is also as ruthless, as arrogant, as completely set in his ways, and a domineering brute na nakilala kong—" huminto si Andrea na biglang pumasok sa isip si Leon Fortalejo at idinugtong, "...nabubuhay. What is that for anti-thesis?"

Muling ngumiti si Alaina. "That is what makes him different. I probably wouldn't know how to deal with him. He could be—frightening, too."

"People thought so. I am only so sorry that Diana did not know how to deal with him." Idinagdag nito ang huling sinabi as an afterthought. Iisang babae lang ang alam nitong nagpapabago sa odd moods ni Bernard. One woman who could arouse his anger like that of a devil then melt him into submission with her smile.

"What do you mean?"

Biglang nag-angat ng ulo ang matandang babae na nagkaroon ng lambong ang mukha. "Forget I said that," wika nito sa istriktong tono. "I really do not wish to discuss Bernard's personal life."

Matamis na ngumiti si Alaina. "So back to being the most trusted and confidential little boss, eh," she teased. Pagkatapos ay pumormal. "Alam mo bang hindi ko kayang ilagay sa mga salita ang pasasalamat ko sa iyo? Ikaw ang naging daan ng mga oportunidad sa akin, tita Andrea."

Itinago ng matanda ang ngiti. Si Alaina ay parang ang bunsong kapatid pagdating sa paglalambing. Lamang— nagbuntong-hininga at tumayo. "Huwag mo na akong bolahin. Ipapaalam ko na kay Bernard na dumating ka na. If he's not busy, I'm sure he'll see the photographs."

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora