3

32.2K 726 45
                                    


SA LABAS ng pasilyo ng ICU ay naroon si Franco at Nick. Gayundin si Bea na kararating lang. Ang dalawang lalaki ay parehong malayo sa isa't isa. Si Bea na hindi alam ang puno't dulo ay nanatiling tahimik at nakamasid.

Sabay-sabay na natuon sa pinto ng ICU ang mga mata ng tatlo nang lumabas ang doktor.

"Sino ang anak ng pasyente?"

"Ako. How is she, doc?" Mabilis na lumapit ang binata.

Umiling ang doktor at hinawakan sa magkabilang balikat si Nick. "She wants to talk to you. You have a few minutes." hindi pa halos natatapos ng doktor ang sinasabi ay binuksan na ni Nick ang pinto papasok.

"Oh, Franco." nanlumong yumakap sa asawa si Bea. Si Franco ay halos mamanhid na ang mga panga sa kaiigting.

"I'm sorry, Mr. Navarro. Ginawa na namin ang aming makakaya pero fatal ang tama ng baril sa dibdib niya." tumango si Franco na tumingala kasabay ng pagyakap nang mahigpit sa asawa.Sa loob ay ginagap ni Nick ang kamay ng ina. Sinikap na hindi tumulo ang nakaambang mga luha.

"Mama..." he whispered hoarsely.

"Nick... I'm sorry..." bulong ni Monica. Walang lakas ang pagpisil sa kamay ng anak.

"Sshh... don't talk."

"Walang kasalanan si—Franco, Nick. Ako ang may kasalanan—sadya ko siyang nilasing—noong— araw na iyon..." suminghap ng hangin si Monica at napapikit si Nick. "H-he was so repentant that he blamed himself for what happened. H-hindi—niya alam kung ano—ang gagawin sa nangyari. Bea had just given birth to Alvaro..."

"Mama, please..."

"Let—me talk, please." nakikiusap ang tinig ni Monica. "I know he—he would have married me had it been possible, son. At hindi—niya alam na ipinagdalang-tao kita." sa tig-isang sulok ng mga mata ay umagos ang luha ni Monica. Gustong mabasag ng mga bagang ni Nick sa pagpipigil ng emosyon.

"I love him, Nick. I have loved him since the very first time I saw him." may isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Monica. Naalala ang araw na nagtungo sa tindahan ni Mrs. Laureano si Franco at sunduin si Bea. "I never—regretted that forbidden moments with your father. I have treasured it through the years. Iyon lang ang nag—silbing lakas ko para makisama kay Jerome." itinaas nito ang kamay sa mukha ng anak. "And I love you, too, my darling. Ikaw ang pinakamahalagang bagay na dumating sa buhay ko..."

Walang salitang namutawi sa mga labi ni Nick. Nagsisikip ang lalamunan sa pagpigil na umiyak. But tears rolled down anyway.

"P-pinatatawad mo ba ako, anak?"

"I love you—so much," sagot niya sa basag na tinig. Hinagkan ang kamay ng ina. Pagkatapos ay tumingala at pinuno ng hangin sa dibdib.

"G-gusto... kong makausap si Bea..." pakiusap ni Monica sa naghihirap na tinig. Mabilis na lumabas si Nick. Nang pumasok ay kasama na ang mag-asawa.

"Nicky..." ginagap ni Bea ang kamay ng kaibigan.

"Please, forgive me..."

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now