10

29.6K 653 57
                                    


"SANDRA," tawag ni Nick sa kanya nang mag-akma siyang papasok sa banyo. Nilingon niya ito. Nakahiga pa rin ito sa lounge. Walang pakialam if he was still naked.

"Are you taking pills?" Nasa mukha ng binata ang pagkabahala.

"I haven't thought about it," sagot niya na nagsasalubong ang mga kilay. "Bakit?"

"I don't like committments, Sandra. Of course, I like you and I adore that lovely body. And we both enjoy sex together. I don't want to spoil it by unwanted pregnancy."

"Meaning, 'pag nagdalang-tao ako ay tapos na ang relasyon nating dalawa?" naghahamon niyang tanong.

"We have just started. Huwag nating pag-usapan ang pagtatapos. But marriage is far from my mind. We are both consenting adults, aren't we?"

"This is great, Nick. Really great," patuya niyang sagot. "But don't worry, it's safe today."Nakahinga nang maluwag si Nick at ngumiti. "Buy the whole stock sa botikang dadaanan natin mamaya."

She wanted to slap his face. Damned him for being so brutally frank sa pagsasabi kung ano lang ang gusto nito sa relasyon nila. Tumalikod siya at pumasok nang tuluyan sa banyo.

Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Sa kabila ng inis, she was glowing. Her first time with Ryan ay hindi tulad ngayon. Though she couldn't take it against Ryan dahil una niya at lasing pa ang lalaki.

Ryan did not rape her tulad ng ipinaniwala niya sa ina at kapatid. She gave herself freely noong gabing iyon. Pero dahil nga lasing, nasabi nitong hindi ito naka-divorce sa asawa. Nagalit siya. Minahal niya ito nang husto at nasaktan siya sa panloloko nito. At ginantihan niya ang lalaki sa paraang alam niya.

Matagal na iyon. Tatlong taon nang kasal sina Jake at Alexa at maligaya. At si Ryan ay kasalukuyang nasa ibang bansa at may balita siyang he finally divorced his wife. At pagkatapos ni Ryan, she never allowed any man to come close. Until Nick.

Oh, well, there was Bernard. She really did fall for him. After his love affair with his childhood sweetheart ended tragically, she tried to use another approach with him. The sisterly type. Had Bernard asked her to bed, she would have gone willingly. Pero hindi kinagat ni Bernard iyon. At ngayon nga'y anim na buwan nang kasal si Bernard at si Diana. She even thought na lived happily ever after ang ending ng story ni Bernard. But the woman he married was neurotic.

Pero hindi niya masisi si Diana. Sino ba ang may gustong may kahati sa puso ng isang minamahal? Lalo na at ang kahating iyon ay matagal nang naibaon sa lupa.Mabilis niyang binuksan ang shower. Bakit ba pinagkakaabalahan niyang isipin ang buhay ng mga iyon? She smiled. She's contented now. Nick could be a brute but he will served his purpose.

Si Nick ay sa banyo naka-focus ang mga mata. Napapailing habang dinadampot isa-isa ang mga kasuotan. Muntik na nitong isigaw ang pangalan ng ibang babae when he reached his climax. He's foolish para alagaan sa puso at isip ang mga sandaling iyon.

His Laney.

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now