8

30.7K 681 43
                                    

"NANA Tonia," bungad ni Nick sa matanda na nagluluto ng hapunan.

"Malapit na itong maluto, Nick." nilingon siya nito. "Gusto mo na bang kumain?"

"Si Alaina ho, nasaan si Alaina?"Ilang sandali muna ang lumipas bago sumagot ang matandang babae. "S-sinundo ng tiyahing taga-Maynila kanina, Nick. Ba—bakit mo siya hinahanap?"

"Sinundo?" gulat na ulit niya. "Kailan?"

"K-kaninang hapon lang." umiwas ng tingin si Nana Tonia at ang niluluto ang tinuon ng mga mata.

"Pero ang akala ko ba'y wala nang kamag-anak ang mga magulang ni Alaina, Nana Tonia?"

"Iyon din ang pagkakaalam ko pero dumating ditong bigla ang kapatid ni Ellen kanina. At si Alaina nama'y agad na sumama. Gustong makarating ng Maynila ang batang iyon," tuloy-tuloy at wala sa loob na nasabi ng matanda sa pag-iwas.

"Wala—ba siyang nasabi sa inyo?"

"Tungkol saan, Nick?" May nahagilap na lambong ang matanda sa mga mata ng binata.Nanlulumong umiling si Nick. "Saan sa Maynila nakatira ang magtiyahin, Nana Tonia?"

"Naku, eh, hindi ko naitanong," sagot ni Nana Tonia na umiwas ng tingin. "Bakit ba'y hindi naman ako paparoon at hindi naman ako marunong sumulat, anak. Pero ang sabi'y dadalawin daw ako ni Alaina."

"Hingin ninyo ang address at ibigay ninyo sa akin, Nana Tonia, kung susulat at paparito," patapos na sinabi ni Nick bago lumabas ng kusina.

DALAWANG araw matapos ang pangyayaring iyon ay bumalik sa Maynila si Nick. Nagpatawag ng board meeting ang board members ng Gascon Industries.

"Good morning, sir," bati ng mga naroong empleyado nang dumating si Nick sa kompanya sa araw ng meeting. Alam niyang karamihan sa mga iyon ay dumating at nakiramay sa mga magulang niya. Tango lang ang isinagot ng binata at nagtuloy sa opisina ni Jerome.Dinatnan niya roon ang abogado ni Jerome at sadyang hinihintay siya. "Hello, Nick. Mabuti naman at napaaga ka ng dating. Gusto kitang makausap bago ang meeting."

"Maupo kayo, attorney. Tungkol ba sa mga naiwan ng Papa?" Umikot siya sa likod ng executive desk at umupo.

Tumango ang abogado. "You were so busy with FNC at hindi marahil nasabi sa iyo ng papa mo ang status ng kompanya..."

"Ano ang ibig ninyong sabihin, attorney?"

"Ang chain of hotels and resorts ay matagal nang naipagbili ni Jerome, Nick..."

"What?" Napatuwid ng upo ang binata. Hindi niya alam ang mga bagay na iyon.

"Iyon ang katotohanan, Nick. Dahil hindi naman gaanong naasikaso nitong mga nagdaang mga taon ay nalugi ang mga kompanya at walang magagawa si Jerome kundi ipagbili ito," patuloy ng abogado habang inilalabas ang mga kaukulang papeles. "At ang kompanyang ito, bagaman malaki pa rin ang share ng papa mo ay wala na sa inyo ang controlling shares."Hindi makapaniwala si Nick sa narinig. "I don't believe this! Why wasn't I informed?"

"Kilala mo si Jerome. Nasa FNC ang buong panahon at isip. Hindi ko nga maintindihan kung bakit." nasa tinig ng abogado ang panghihinayang. Inilagay sa harap ni Nick ang mga dokumento. "And you can check the records. Twenty percent na lang ang shares na pag-aari ni Jerome sa kompanya. Sinasabi ko sa iyo ito dahil ayokong mabigla ka sa meeting mamaya. I have been trying to communicate with you pero itinago mo ang sarili mo. Kung hindi ko pa kinausap si Mr. Navarro ay hindi ko malalaman kung nasaan ka."

Hindi tinangkang buklatin ng binata ang bunton ng mga papel sa harap. He will do it in his own good time. Ilang sandali niyang tinitigan ang mga iyon bago muling itinuon ang mga mata sa abogado.

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now