18

32.3K 729 107
                                    


NICK and Jenny circulated around and met some men na ang iba'y kakilala at ang iba'y mga ipinakikilala. Nakita niya ang mga matang ipinupukol kay Jenny and he felt possessive sa kapatid na hindi niya pinahintulutang kumawala sa tabi niya.

Nagsasayaw sila ni Jenny nang biglang magdilim ang mukha ni Nick sa dumating na parehas. Si Alaina! At kasama si Zandro.

Alaina was wearing a simple black minidress. She doesn't have Diana's sophistication born from being a rich man's wife and Jenny's touch of class being a rich man's daughter. But she's a beauty all by herself.

"Brat, do me a favor, please. At 'pag nagawa mo, you can ask anything within my power at ibibigay ko sa iyo." niyuko niya ang kapatid.

"You want me to kiss you para itaboy ang mga mata ng mga babaeng kanina pa naghahangad na maisayaw mo? Why, I could feel their stare at my back na parang gusto akong kalmutin," natatawang wika ng dalaga.

He chuckled. "Wrong, brat. Nakikita mo ba ang parehas na iyon na kausap ni Nathaniel at Jasmin?"

"Sino?" Pinaglagos ng dalaga ang mga mata sa pagitan ng mga naroroong tao.

"Ipinakilala ko sa iyo kanina si Jasmin, the one in red." inginuso niya ang kinalalagyan ng dalawa.

"Oh, yes. Who are they?"

"Ang lalaki ay si Zandro, Bernard's elder brother. Do your best para hindi na niya kakausapin pa si Alaina, the woman in black." Nagdikit ang mga kilay ng binata nang pumagitna sa dance floor ang dalawa at magsayaw. And Zandro is holding Alaina so close na para bang walang hanging makakadaan.

Matamis na ngumiti si Jenny sa pagkakatitig kay Zandro. "Hmm... this night won't be a bore after all. So Bernard has a brother, ha," mabilis na tumingala sa kapatid. "Hope he's not married?"

"Very much eligible," sagot ni Nick na ang mga mata'y halos magtagos sa dalawang nagsasayaw. 

"Just do it, brat. I know you can."

"Of course, I can. And here I thought this party is full of married men," she said in amusement. Muling tumingin sa kapatid. "Give me your word of honor na ibibigay mo ang hihingiin ko sa iyo."

"My word of honor. Anything within my power."

"Arab. I want Arab."

"No!"

Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. "Bahala ka."

"Damn you, brat! Ask another," angil ni Nick sa kapatid.

"It's Arab I want, Nick. No Arab, no deal."

Isang matalim na paghinga ang pinakawalan ng binata. "All right, take him," wika nito sa napipilitan at galit na tinig makalipas ang ilang sandali. "You wretched woman, I love that Stallion!"

Natawa si Jenny na humiwalay. "You don't get anything in this world out of nothing, brother. 


And that woman seemed special for you to part with your beloved horse."

Nagtagis ang mga bagang ng binata. "Tiyakin mong hindi isasayaw ni Zandro muli si Alaina or else..."

"Watch your sister doing her first class seduction with that man. Houston style, darling."

Nang matapos ang tugtog ay lumakad ang dalawa patungo sa mesang kinauupuan ni Zandro at Alaina. "Hello, Zandro." Inilahad ni Nick ang kamay na nakangiting tinanggap naman ni Zandro. 

"Hi, Alaina." Isang tipid na ngiti ang isinagot ng dalaga rito.

"Pare, I want you to meet Jenny. Jenny, si Zandro. Bernard's brother and Jen, this is Alaina."

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now