14

31.1K 733 45
                                    


SA LOOB ay nag-uusap ang dalawang lalaki.

"Gusto kitang pigilin, alam mo iyon," ani Bernard kay Nick. "I needed someone like you, Nick. Sa loob ng isang taong mahigit na pamamahala mo sa kompanya ay ten percent ang increase ng profit. Not to mention some personal reason. Like, you're more of a friend than an associate."

Natawa si Nick. Remembering their first encounter sixteen months ago. Bale-wala iyon kompara sa mga sumunod nilang pagtatalo ni Bernard sa board room since then. They argued, they debated, always at each other's neck then ended up respecting one another's decision.On office hours ay ganoon silang dalawa. But off office hours they became the best of friends.

"Funny, pare. Ganoon mo ba talaga ako isinubsob sa trabaho at hindi ko man lang napagbigyan kahit minsan ang imbitasyon mong sa Paso de Blas gugulin ang weekends?"

"You were so busy proving yourself na kaya mo kahit wala si Franco Navarro, pare." umiling si Bernard and smiled wryly. "I can see myself in you way back."

"Let's have a deal then. One week sa Paso de Blas at one week din sa Sto. Cristo o sa Alta—" isang warning knock ang nagpalingon sa dalawa sa pinto. Sumungaw si Andrea.

"Yes, Andrea?"

"Do you have a moment to spare or I'll ask Alaina to come back?"

Si Nick ay nagsalubong ang mga kilay sa pangalang narinig at tumingala sa matandang babae. Alaina isn't a common name. Sa buhay nito'y dalawang babaeng may pangalang Alaina pa lang ang nakatagpo ng binata.

"Dumating na ba siya?" Tumango si Andrea. "Let her in." Tumango si Andrea, nginitian si Nick at muling lumabas. "Pamangkin ni Andrea si Alaina. Graduating siya next sem at aspiring photographer."

Hindi nakuhang sumagot ni Nick dahil bumukas ang pinto at pumasok ang kakaibang Alaina sa dating kilala niya. Na kay Bernard ang mga mata nito at nakangiti.

"Hi. Sorry for intruding but I like to show you the pictures. Kung busy ka, iiwan ko na lang and I'll—"

"Alaina?" Si Nick.

"Nick!"

Humulagpos sa mga kamay ng dalaga ang envelope at bumagsak sa carpet sa pagkabigla. On instinct, sabay rin nilang niyuko ni Nick upang damputin. Their faces almost touched. Parang napasong binitawan ni Alaina ang envelope at tumuwid.

Tumikhim si Bernard at amused na tinitigan ang dalawa. "You know each other?"

"Y-yes. I—I used to—"

"Alaina's a childhood friend, Bernard," agap ni Nick sa sinasabi ni Alaina. Hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha ng dalaga. Mga tinging humagod paibaba. She's wearing tight blue jeans and body hugger and damned sexy.

Nailang si Alaina. Ang self-confident at poised na na-develop niya sa loob ng nagdaang panahon ay biglang nag-collapse sa sandaling iyon.

"I—I'm really—in a hurry, Bernard. Babalik na lang ako." dinaanan niya ng tingin si Nick out of politeness at ngumiti. Pagkatapos ay mabilis na lumakad patungo sa pinto.

"Alaina, wait!" Napatayo si Nick pero nakalabas na ang dalaga.

"You'll see her around, Nick. Tinitiyak ko sa iyo," kaswal na wika ni Bernard.

Huminga nang malalim ang binata at bumalik sa upuan. "How long have you known her?"

"Five months or so," sinabayan nito ng kibit ng mga balikat. "Si Andrea ang nagpakilala sa kanya sa akin dahil gumagawa ng thesis ang dalaga. Hindi sinasadya ay nagkakilala sila ni Emerald dito. Emerald's a writer and Alaina loves photography. Emerald gave her the chance to photograph the articles she'd been writing for a women's magazine."

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now