15

30.6K 656 10
                                    

SI ALAINA ay bumaba ng taxi at nagmamadaling pumasok sa duplex. Inihagis ang bag sa mesa at ibinagsak ang sarili sa sofa.

"Damn. Damn!" nagpupuyos niyang sinabi sa galit sa sarili. She was stupid for behaving like that! Wala siyang kaibahan sa probinsiyanang nakilala nito. Sa probinsiyanang itinaboy ng ama nito!

Ilang beses niyang pinraktis ang mga dialogue na sasabihin kay Nick sa sandaling magkita sila. Hindi niya akalaing kahit isa sa mga iyon ay tuluyang naglaho sa isip niya kanina.

At alam niyang hindi imposibleng magkita sila. She's moving in his circles now. Thanks to Andrea. In fact, she saw him once. Pitong buwan mula nang umalis siya ng Sto. Cristo. 

Magkasama sila ni Andrea sa isang department store at namimili. She walked farther sa kaiikot at pagbalik niya'y kausap na ni Andrea si Nick.

Mabilis niyang ikinubli ang sarili sa clothes rack. Ang higit na masakit ay may kasamang babae si Nick. She was so beautiful na nakadama siya lalo ng insekyuridad. Ipinangako niya sa sarili sa sandaling iyon na tuluyang ibaon ang dating Alaina, ang probinsiyanang si Alaina. Magiging sopistikada rin siya tulad ng babaeng kasama nito matapos lang ang problema niya. Suliranin na kung wala si Andrea ay hindi siya nakatitiyak sa mangyayari.

Nang umalis siya ng Sto. Cristo sa araw na iyon ay nagtungo siya sa bangko sa bayan at kinuhang lahat ang sariling pera. Hinanap niya ang address ni Andrea de Lara sa Maynila. Ang address na nakalagay sa diary ng inay niya.

Bagaman pag-aari pa rin nito ang malaking bahay na ayon sa ina ay sa kanilang magkapatid ay wala na roon si Andrea. Pinaupahan ito sa ibang tao. Mula sa tenant ay nakuha niya ang address ng tiyahin. Sa isang kilalang subdivision sa Quezon City nakatira si Andrea de Lara. Isang magandang duplex ang bumungad sa kanya.

Hindi niya matiyak kung alin sa dalawang pinto naroon ang tiyahin.

Isang babaeng nasa mid-forties nito ang lumabas matapos tawagin ng katulong.

"Yes? May kailangan ka sa akin?"

She cleared her throat. "Ako si Alaina. Alaina de Lara."

Nagdikit ang mga kilay ng matandang babae na tila hinahagilap sa isip kung may iba pa itong kamag-anak.

"Anak ako ni Juanito at Ellen de Lara."

Nakita niya ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Andrea. Ilang mahabang sandali ang namagitan bago siya nito pinapasok. At mula sa bibig ni Andrea ay natiyak niya ang katotohanang nakasulat sa diary ng ina.

Si Andrea de Lara ay legal na asawa ni Juanito de Lara. Ang mag-asawa at si Ellen ay nakatira sa bahay na minana pa ng magkapatid mula sa mga magulang. Si Andrea ay empleyado sa isang maliit na kompanya at si Ellen ay nag-aaral sa kolehiyo.

Limang taon nang nagsasama ang dalawa nang magsara ang kompanyang pinapasukan ni Juanito. Nahirapan itong makakuha ng panibagong trabaho dahil sa pinag-aralan. Agriculture. Bukod pa sa stiff ang competition.

Si Andrea nang mga panahong iyon ay kasalukuyang naghangad ng ibang trabaho at natanggap bilang sekretarya ng nagsisimula pa lamang na kompanya ng semento. Magandang suweldo at malaking demand ng trabaho dahil nagsisimula pa lang ang siyang naging dahilan ng unti-unting gap ng mag-asawa. Nakadagdag pa sa iritasyon ni Andrea na siya ang bumubuhay sa asawa. Maliliit na bagay na nauwi sa laging pagtatalo.

Nakisimpatya si Ellen kay Juanito. Si Juanito ay nakahanap ng katahimikan at pagmamahal kay Ellen. At nagdalang-tao si Ellen kay Alaina. Pagbubuntis na hindi kayang ibigay ni Andrea noong panahong iyon dahil sa trabaho. O marahil dahil na rin sa paghanga nito sa guwapong mestisong amo, si Don Leon Fortalejo.

Isang sulat na lang ang dinatnan ni Andrea isang hapong umuwi ito galing ng trabaho. Pagkasuklam at panlulumo ang nadama. Hindi nito patatawarin ang dalawa. Pero walang patatawarin dahil hindi na muling nagbalik si Juanito at Ellen. Ni hindi sumulat, ni hindi nito nalaman kung nasaang lupalop napunta.

Sama ng loob, sugatang puso, galit at nasaktang pride, lahat ng iyon ay pinawi ni Leon Fortalejo. Andrea fell in love with the man who did not wish to be married again. Pero balewala sa kanya iyon, she would be willing to die for him. Don Leon Fortalejo and Kristine Cement became her world. Tuluyang nalimutan sa isip at puso si Juanito at Ellen.

Nineteen years later, Alaina appeared at her doorstep.

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now