4

32.5K 734 25
                                    


TATLONG linggo na ang nakararaan matapos na inihatid sa huling hantungan si Jerome at Monica. Nakabalik na rin sa ibang bansa ang nakatatandang kapatid nitong si Luis Montaño at ang pamilya. At sa loob din ng mga panahong iyon ay parang estranghero sa isa't isa sina Franco at Bea. Ang tatlong anak ay pawang hindi rin alam kung paano tatanggapin ang mga pangyayari.

"Talk to me, please," pakiusap ni Franco kasabay ng pagpigil sa braso ng asawa nang mag-akmang papasok sa silid si Bea. "You've been avoiding me..."

"Ano ang gusto mong sabihin ko, Franco?" she asked in a pained voice.Nasa loob ng mga bulsa ng pantalon ang mga kamay ng lalaki at huminga nang malalim. "I don't know either." tumingala ito sa kisame sa nahahapong anyo. "Ano ang maaari kong ikatwiran sa mga nangyari? Ipinaliwanag at inihingi ko na ng tawad sa iyo ang hindi sinasadyang pagkakamaling iyon. Muli, humihingi ako ng tawad..."

"Paano ko gagawin iyon gayong kaibigang matalik ko ang sangkot? Higit pa sa kaibigan lamang. Para kaming magkapatid, Franco..." nagbara ang lalamunan ni Bea.

"I love you, Bea, alam mo iyan. Hindi ko ginusto ang nangyari. I'd rather die kaysa gawan ng masama si Nicky, alam mo rin iyan. I maybe many things to you and to a lot of people pero hindi ko magagawang pagtaksilan ang isang kaibigan. Matagal kong dinala sa dibdib ko ang pagkakasalang iyon. At hindi ko alam na nagbunga ang minsanang pangyayaring iyon. At gusto kong ipagpasalamat na hindi ko nalaman hanggang sa mga sandaling ito ang tungkol kay Nick or else I would have lost you, Bea. At hindi ko kaya iyon..."

Tiningala ni Bea ang asawa. Her eyes filled with so many emotions. "At paano mong nalamang hindi ako mawawala sa iyo ngayon, Franco?"

Tumiim ang mukha ni Franco sa pagkakataong iyon at naningkit ang mga mata. "Don't you ever tell me that, Beatriz Navarro! Pinagbigyan kita sa nakalipas na mga araw na huwag makipag-usap sa akin dahil walang hindi naapektuhan sa atin sa nangyaring trahedya. But I'll be damned kung pahihintulutan kitang manatiling ganyan ang pakikitungo sa akin!"

Huminga nang malalim si Bea. "Gusto kong sabihin sa iyo ito, Franco. Babalik lamang sa dati ang lahat kung tatanggapin ka ni Nick!"

"That is unfair!" Subalit pumasok na sa silid ang asawa.

Tumiim ang mukha ni Franco. Isa pa iyon sa suliranin niya. Hindi pa bumabalik mula sa Sto. Cristo si Nick. At kanina ay ibinigay sa kanya ng sekretarya ang fax letter nito na nag-tender ng resignation. Sa kabila ng lahat, sa kaibuturan ng puso niya'y naroon ang galak na dugo niya si Nick Gascon.

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now