1

93.4K 1.2K 131
                                    

"HEY, NICK," nakatawang sigaw ni Jenny sa binata. "Don't be so chivalrous, don't let me win!"Ngumisi si Nick at pinatakbo ang kabayo palapit sa dalaga. "Lagi ka namang magaling sa larong polo, eh."


Umirap si Jenny. "Ikaw rin naman. Pero tulad ka pa rin noong mga bata pa tayo, lagi mo na lang akong pinapanalo sa lahat ng mga laro natin." yumuko siya mula sa kabayo at inasinta ang bola and hit it.

Sinundan ng tanaw ni Nick ang bola and bolt his horse nang pigilan siya ni Jenny. "Enough, Nick. Gusto ko nang umuwi. Napagod talaga ako..." aniya at inalis ang head cap.

"Sure," sang-ayon ng binata. "Let's race hanggang sa kotse at hindi kita papanalunin sa pagkakataong ito," hamon nito. Mabilis na tinapik ni Jenny ang kabayo. Natatawang sinundan siya ng tanaw ni Nick. Bagaman ilang metro ang partida ni Jenny ay naunahan siya ng binata.Tumaas-baba ang dibdib ng dalaga na ibinigay sa stable boy ang kabayo. Pagkatapos ay umirap sa binatang nakangiting nakasandal sa kotse.

"Hmp," irap niya na lalo lamang nagpasingkit sa mga mata ng dalaga in an upward slants. "Sa rancho tayo mag-race at si Shadow ang gagamitin ko," wika nito habang lumalarawan sa isip ang stallion ni Alvaro. "I doubt kung mauunahan mo ako."

Nick rolled his eyes. "Women. 'Pag pinapanalo mo, nagrereklamo. Ngayong natalo naman, nagrereklamo pa rin."

Ngumiti si Jenny na pumasok sa kotse. Pumasok si Nick sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan. Ilang sandali pa'y palabas na sila ng Manila Polo Club. Isang sport na tanging mga milyonaryo lamang ang miyembro.

"Nagbibiro lang po ako. Alam ko namang sa inyo lang ni Alvaro ako hindi manalo sa horse racing, eh. Although I want to determine which of the stallions would win." sinipat ang sarili sa compact mirror at naglagay ng lipstick.

"What about, Lance?"

"Alam mo naman si Lance, he'd rather race a car than race a horse," pagkatapos ay ipinatong ang kaliwang braso sa sandalan ng kotse at hinarap si Nick. "Tell me the truth, lover boy. This is only my second week since I arrived from Houston but already our third date. I couldn't believe you're running out of pretty women. Why is it so?"

Nagsalubong kunwa ang mga kilay ng binata na nilingon siya. "Ano'ng klaseng tanong iyan? You're a very beautiful and desirable woman, Jenny, and I'm attracted to you."

"Cut it out, Nick," aniya na bahagyang ngumiti. "Hindi ako ang type mo. Isa pa, you're almost my brother."

"But I am not your brother kaya malinis ang daan. And how can you say that you're not my type? Hindi mo ba alam ang sarili mong assets?" He smiled gorgeously.

Nagkibit ng mga balikat si Jenny at tumingin sa unahan ng kotse. "Kunsabagay, wala pa akong natatandaang babaeng tumagal ang relasyon sa iyo. And I couldn't typecast you either. Hindi tulad ni Alvaro at ni Lance. Kabisado ko ang mga type ng mga babaeng gusto nila."

Makahulugang nagtagal ang mga mata nito kay Jennifer. "Now, alam mo na kung ano ang type ko sa mga babae..."

Hindi sinagot ni Jenny iyon na matiim na tinitigan ang binata. Gusto niyang ma-alarm sa ipinakikita ni Nick sa kanya. Hanggang sa makarating sila sa mansiyon ng mga Navarro. Hindi na naghintay ang dalaga na pagbuksan siya ng pinto ni Nick. Mabilis itong lumabas at pagkatapos ay umikot sa driver's seat at yumuko.

"Do I get to be kissed?" amused na tanong ni Nick.

"Bully for you, big brother," binigyang-diin ng dalaga ang huling dalawang salita. Pagkatapos ay hinawakan sa mukha si Nick at seryosong tinitigan. "You, Alvaro and Lance are any woman's dream. Of course, Alvaro isn't available now. Any woman would die just to have your attention, Dominic Montaño Gascon. Pero nararamdaman kong ginagawa mo lang ito sa hindi ko malamang dahilan."

Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now