Chapter 39: We Are Curious

1.1K 43 4
                                    

•••••Maura's POV•••••

Lakad lang ako ng lakad sa loob ng hospital room. Hindi ako mapakali. Matapos ng nangyari sa concert ni Simon Reyes, nothing seems normal to me anymore. Noon ay sa pelikula ko lang nakikita yung mga malalaking paniki and other super giant stuffs, hindi ko inakalang makakakita pala ako ng gano'n kalaki sa personal.

"Hades," Isa pa 'to, kanina pa tahimik. Sanay naman ako, e. But his silence is quite different. "Magiging maayos lang kaya ang lahat?"

Tumingin siya sa akin at nagbuntong-hininga. I hate it when he does that. Nagdadalawang-isip kasi siya kapag gano'n.

"Just tell me the truth, Hades." Inunahan ko na siya. Baka hindi na naman siya magsasalita ng totoo para lang hindi ako masaktan.

"Maura, I'm not sure," sagot niya na halatang may iba pang iniisip. "I just never thought she could do it. Of course, she's strong but what happened was just... extraordinary. " sabi pa niya.

He's right. What happened was indeed extraordinary. Even I can't believe what happened. Para akong natatakot na kinakabahan na ewan. Nagloloko na ang feelings ko.

Sa kabila ng mga iniisip ko, bumukas ang pintoan at pumasok si Reo-sensei sa kwarto.

"Ayos lang ba kayong dalawa?" tanong niya kaagad sa aming dalawa ni Hades nang makita niya na parang napakamiserable na ng mga buhay namin.

"Hindi po ako sigurado sa isasagot namin sa inyo." Napayuko na lang ako habang sumasagot.

"I understand," Obvious sa mga mata niya na wala rin siyang sapat na tulog. "I think you wanna see your friends now. So, let's go." He motioned for us to follow.

Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Hades bago sumunod sa mentor namin. Habang kami ay naglalakad papunta sa elevator ay wala kaming ibang naririnig kundi ang footsteps namin. At ang nararamdaman ko ngayon ay walang iba kundi kaba at takot.

"Sensei, are you sure it's alright?" tanong ni Hades nang nasa loob na kami ng elevator. "The last time we went to Raven's room underground, it didn't go well."

I agree with Hades completely. Kahit sinong tao man ang sumama sa amin kanina sa kwarto ni Raven ay masasabi talaga nila na isa siyang napakadelikadong tao. I could feel my soul leaving my body when Raven's magenta eyes met mine. She was so angry to the point na walang kahit isang nurse ang makakalapit sa kanya para gamutin ang kanyang mga sugat.

"Blade's with him," sensei answered. "She will be fine. Hopefully."

Napalunok na lang ako. Jusko, sana'y good mood na si Raven ngayon.

Parang nanlamig na ang buong katawan ko nang makarating na kami sa labas ng kwarto ni Raven. Shit! I know the AC here is strong pero pinagpawisan pa rin ako. Nang bubuksan na sana ni Reo-sensei ang pintoan ay nag-sign of the cross muna ako at nanalangin ng Our Father sa aking isipan.

"What are you doing?" I looked at Hades who is right beside me.

"Praying, obviously. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari pagpasok natin." Hindi ko maintindihan ang reaksyon ni Hades pagkatapos kong sabihin iyon. Para siyang natatawa na nagtataka na ewan.

Blandon High: The Devil's HeirWhere stories live. Discover now