Chapter 16 - For keeps.

29.4K 540 41
                                    

Chapter 16

 

“Alam mo, kung nakakamatay lang ang tingin. Pinaglalamayan na si Gab ngayon.” Biglang sabi ni Meg.

Lunch break namin at kami lang ang magkasama dahil umalis si Azi, may date daw sila ni Safrina. Si Kuya Kevin naman ay nagaayos ng thesis niya dahil graduating na siya.

I glared at her. “What? Anong pinaglalaban mo Meg?” Natatawa kong sabi.

“Are you jealous?” Tanong niya sakin sabay ngumisi siya.

Tuluyan na kong natawa sa tanong niya. “Stop joking Meg. Me? Jealous? Oh no. Not a chance.” I told her.

Inirapan niya ko. “Eh bakit grabe ka makatingin kay Gab at sa kasama niya?”

“Im just curious. This is the first time he dated a girl for more than a week. Ilang linggo ko nang nakikitang yang girl na yan lang ang nilalandi niya. He’s not seeing anybody except that girl. I wonder what’s with them.”

I think almost three weeks ko nang nakikita si Gab na isang babae lang ang madalas kasama. Hindi narin siya nagsasama samin pag lunch dahil madalas doon siya sa lamesa ng girl sumasama. Three weeks. Nakakapanibago lang dahil dati naman ay hindi tumatagal ng isang linggo ang whores niya. Pinakamatagal na ata ang 6 days sakanya noon.

“He told Kuya Kevin this one’s serious. For keeps daw. Well, that’s what he said.” Aniya.

Napatingin uli ako sakanila. Nakapalupot yung kamay ni Gab sa bewang ni girl. They were smiling at each other. Looking so inlove. So happy.

Montefalco? Getting serious? Wow.

“Now that’s news.” I smiled. “Good for him.” Sabi ko sabay patuloy sa pagkain ng lunch ko. Kahit na parang nawalan na ko ng appetite ay pinilit ko paring kumain. Kailangan kong kumain dahil hanggang gabi pa ko dito sa school, at wala na kong break. May make-up kasi kami mamaya sa isang subject.

“Sinong niloloko mo Gabby? You’re obviously jealous.” Aniya sabay hampas sakin.

I shook my head. Malala na ang pagiilusyon ng pinsan ko. Ako nagseselos? Bakit naman? Ipinupush niya parin ba ang Gab-squared loveteam niya.

“Uy. Si Azi?” Huminto ng saglit yung pagtibok ng puso ko ng marinig ko siyang magsalita. Hindi ko man lang namalayan na nasa harapan na pala namin siya. At hindi siya nagiisa.

“Uhm. This is Angel, my girlfriend.” Ani Gab. He held his girlfriend’s waist and looked at her like she’s the prettiest girl in this place. Damn that look. “Babe. This is Meg and Gabby.”

Ngumiti yung girl. Lumabas yung dimples niya sa pisngi niya. “Hi. Im Angel Santillan. It was nice meeting you. Madalas kasi kayong makwento ni Gab.” Sabay tumawa siya.

Napakaganda naman ng babaeng to. Maputi, makinis, sexy at mukha siyang angel. Nakakainis! Pati pagsasalita niya, ay para siyang anghel na bumaba sa lupa. Ultimo pagtawa ay perfect. Binigyan niya ng hustisya ang pangalan niya. Damn it! Parang walang mali sa babaeng to!

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon