Sunrise

1.2K 68 46
                                    

"Baby, gising!" Susannah gently shook Gabriel awake. "Tuturuan mo pa ako magswimming di ba? Dali na, ang taas taas na ng araw o!" she began gently tickling his side.

He grinned and grabbed her hand to still her fingers all the while his eyes were still closed. "Maaga pa..."

"Anong maaga pa? Alas diyes na po, Sir," malambing na sabi ni Susannah. "At ready na ko, ikaw rin, nakasuot na ko ng..."

Hindi pa natapos magsalita si Susannah ay dinilat na ni Gabriel ang isang mata nya. Kahit nakaumbok na ang pregnant stomach ni Susannah ay nase-sexyhan pa rin ito sa dalaga, especially since lumaki ang dibdib nito. Bastos man pakinggan, pero yun ang totoo. Nakita nyang nakasuot ito ngayon ng itim na racer back swimsuit at itim na board shorts. Susannah laughed at his disappointed face.

"Bakit one piece ang suot mo, babe?"

"Dahil nasuot ko ng yung bikini kahapon at kailangan ko pang labahan."

"Sayang..." he smirked at her.

"Ikaw talaga!" she laughed.

"Magpapahatid muna ako ng breakfast tapos swimming lessons na tayo."

"Okay!" Susannah grinned at pumalakpak na parang bata.

"Pero dito ka muna habang hinihintay natin ang pagkain," he pulled her down gently back on the bed. "Nilalamig ako. Kailangan ko ang yakap mo."

"Eh kung patayin na lang natin ang air con?" she teased him.

"Baby naman, naglalambing na nga ako...."

"Ang gwapo gwapo mo talaga, kahit bagong gising," hinaplos ni Susannah ang pisngi ng binata. "Bakit ka ganyan?"

"Para maakit kita," he slyly replied.

"Akalain mo, isang kasing gwapo mo, na-in love sa akin?" she reached up and pinched his nose.

"Akalain mo, isang anghel, na-in love sa akin?" he retorted and pinched her nose back.

"Anghel ka dyan..." she felt a little uncomfortable; kung alam lang ng binata na patong patong na ang mga kasalanan nya sa pamilya nito. "Babe, salamat talaga ha."

"Para saan?"

"Para sa lahat lahat ng ginawa mo at ginagawa mo para sa akin. Hindi ko na nga alam kung paano ko mababayaran ang lahat ng utang ko sa yo..."

"Hindi mo kailangan magbayad," he kissed her forehead. "When you love someone, you just do things for them out of the goodness of your heart. Just to see your beautiful smile is payment enough."

Tears formed in Susannah;s eyes and she wiped them off before they could trickle down her cheeks. "Hay, ang aga aga, pinapaiyak ako." She was genuinely touched by his words.

"I don't mean to make you cry, baby."

"Na touch lang ako," she snuggled into his armpit even more. She inhaled his scent, still smelling fresh from his shower last night. "Ang bango mo, babe."

"Favorite mo talaga ang kili kili ko, no?" he opened up his arm even more in jest.

"Eh ang bango kasi," she giggled. "At mainit init pa....comforting. Sorry, alam mo naman, weird ang mga likes ng mga buntis," she giggled again.

"Huwag kang ganyan, ikaw ang gagawin kong breakfast," he laughed with her.

"Talaga?" she poked his side. "Mas masarap pa ba ako kesa sa tocino?" humagikgik sya.

He pulled her up so she was on top of him and her face was leveled with his. "Ikaw," he kissed her on the lips, "ang pinakamasarap," he kissed her again. He was about to deepen the kiss when there was a rap on the door.

Stunt Gone Awry #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon