Hello Baby

1.8K 55 30
                                    

"Hi, Innah, ako nga pala si Trixie. Ako yung papalitan mo sa position na to. Minove na kasi ako ni Sir Gabe sa dinner shift."

"Ay ganun ba," namula ang pisngi ni Susannah nung narinig ang sinabi ng dalagang nasa tabi nya. She was wearing black slacks and a white button down shirt na uniform sa restaurant ni Gabriel kung saan din ang office nya. Gusto nya kasing sabay ang kanilang working hours kaya sa lunch shift nya nilagay si Susannah. "Sorry, I hope you don't mind."

"Ay, okay lang, actually, much better for me. I plan on going back to school kasi eh."

"Wow, talaga?" Susannah smiled at the woman. Mukhang magkasing edad lang sila at she felt genuinely happy na magaaral muli ang kaharap nya kahit hindi nya ito kilala. "Anong course?"

"Accounting. So magaaral ako sa umaga tapos trabaho sa gabi."

"Kaya mong pagsabayin?"

"Kakayanin. Kailangan eh. Namention ko na rin kay Sir Gabe kaya siguro pinagbigyan nya ako; I really need this job so that's a big sigh of relief."

"Ang bait pala talaga ni Sir Gabe no?" Susannah asked.

"Mabait naman, pero laging serious. Minsan nga late na yun umuuwi eh, laging busy sa trabaho. Pero ngayon, these last few days, lagi na syang maaga umuwi...before mag dinner shift. At parang lagi pang atat umuwi."

"Ganun?" namilog ang mga mata ni Susannah.

"Siguro may girlfriend na si Sir," Trixie giggled. "Sayang, crush na crush pa naman sya ng mga single ladies dito sa trabaho."

Napangiti na lang si Susannah. Wala naman syang nakikitang dinedate ni Gabriel. In fact, nasa bahay na nga ang binata bago pa mag ala sais ng gabi eh. Sya kaya ang tinutukoy ni Trixie? Alam nyang sinabi ni Gabriel na gusto nyang manligaw sa kanya, pero hindi naman nya yun sineseryoso. "Wala pa bang girlfriend si Sir Gabe?" nagmaangmaangan sya.

"If he does, hindi rin namin alam. Private kasi yan si Sir eh. Dati nga akala namin na may something sila ni Ma'am Ella, pero yun pala, naging asawa si Ma'am ni Sir Albert," Trixie shrugged.

Susannah pouted. Yun din kasi ang akala nya dati. Akala nya nga na may relasyon ang dalawa, yun nga lang, ibang klase pala ang relationship ni Ella at Gabriel. "So paki turuan mo nga ako dito sa computer. Alam mo naman, medyo shunga shunga," Susannah giggled.

"Ay, madali lang yan. Mukhang mahirap lang, pero sosyal kasi si Sir. Pati seating chart, nasa computer," Trixie giggled and showed her how to use the program on the computer.

Trixie taught Susannah how to do things on the computer pati na rin ang iba pang pwede nyang gawin habang hindi busy, like folding the linen napkins and polishing the silver ware. Hindi naman na nya inaral ang pag settle ng bill dahil gawain naman yun ng mga waiters and waitresses gamit ang kanilang mga PIN. Automated na ang lahat para hindi magkagulo when it comes to accounting at the end of the day. Busying busy si Susannah sa lahat ng inaaral nya na hindi nya namalayan na gutom na pala sya.

"Usually kumakain kami ng family meal bago magbukas ang resto so halika na. Nakahanda na ang pagkain natin," Trixie smiled at her and nudged her head towards the tables kung saan sila pwedeng umupo.

"Okay," sumunod naman si Susannah kay Trixie at napatalon ng konti ng may bigla na lang syang naramdaman na kamay on the small of her back.

"Kain na tayo?" Gabriel fell into step with her.

"Sir, sasabay po kayo sa amin?" nagtatakang tanong ni Trixie. It had been a while since Gabriel joined his staff for any meal. Lagi syang sa office nya kumakain o kaya kumakain sa labas.

Stunt Gone Awry #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon