The Gift

743 51 33
                                    

"Ayiiiiiiiieeeeeeeeee!" Liza screamed at the top of her lungs. "Engaged na kayo! I can't believe it! I mean, I can believe it dahil meant to be naman talaga kayo, pero I can't believe na nangyari na at hindi man lang ako na-inform ng magaling kong pinsan," Liza rambled on as she held Susannah's hand and examined the ring. "You'll be my cousin na talaga, I love it!"

Napatitig na rin tuloy si Susannah sa singsing na suot nya. "Magiging pamilya ko na talaga kayo.  Hindi ko naisip na magiging parte ako ng pamilya nyo."

"Ano ka ba, love na love kita at buti naman at niyaya ka na ng pinsan ko magpakasal. It's been a long time coming. Salamat at tinanggap mo ang alok nya."

"Eh ano pa nga bang magagawa ko? Mapilit ang pinsan mo eh," Susannah shrugged and burst into giggles. "At anong magagawa ko, eh mahal na mahal ko ang pinsan mo."

"Kelan ang kasal?"

"Hindi pa namin napag usapan yan. Hinay hinay lang, Liz. Kaka-engage pa lang namin," humagikgik si Susannah.

"Sabagay," natawa na rin si Liza. "Pero huwag nyo na sanang tagalan. I'll help you with all the preparations and wedding planning! This is gonna be so exciting!" pumalakpak si Liza sa tuwa.

"Well, simple lang naman ang gusto kong kasal. Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga bonggang party na ang mga bisita ay hindi ko naman mga kakilala."

"But you're marrying into the Alvarez family. Laging invited ang lahat," kumunot noo si Liza. "Nung kasal nga ni Wicked Witch kay Tito Albert, kulang na lang imbitahan ang buong Pilipinas."

Susannah laughed. "Hindi naman ako si Ella. Magkaiba naman kami."

"Thank God for that!" Liza breathed. "Basta sabihin mo lang, handa akong tumulong."

"Liz, may gusto sana akong hilingin sa yo."

"Ano yun?"

"Ikaw na ang pinakamalapit na babae sa buhay ko. Pwede ba kitang maging maid of honor?" Susannah smiled at the other woman.

"Oh my gosh, oo naman!" Liza hugged her tightly. "It would be my honor!"

"Salamat," Susannah embraced her back. "Salamat hindi lang sa pagtanggap bilang maid of honor ko, pero sa lahat lahat ng naitulong mo sa akin, sa amin ni Gabe."

"Wala yun. Botong boto ako sa yo para sa pinsan ko. Seriously, I'm so glad you came into his life."

"Masaya rin ako na dumating sya sa buhay ko."

"Now all you need is Giselle para kumplete na kayo. And dapat lang na gumawa pa kayo ng babies ha. Ang ganda ng combination ninyo, huwag sayangin," kinindatan ni Liza si Susannah.

"Gusto na nga ni Gabe eh. Pero syempre, ayoko pa habang wala pa si Giselle sa piling namin. Mas nakakaguilty kung magka-baby ulit kami na wala pa ang panganay namin dito sa amin."

"Sabagay."

"Pero sana maibalik si Giselle sa amin no? Ako na ang magiging pinakamasayang tao sa buong mundo."

"Push! Achieve!"

Natawa si Susannah. "Liz, ikaw ba yan? Masang masa ha!"

"Fan kasi ako nung teleserye! Ang cute kasi nung love team dun."

"At nononood ka pala ng teleserye!"

"Shhhh, guilty pleasure ko talaga ang mga yun."

"Sige, hindi ko ipagkakalat."

"Pero mas fan pa rin ako ng loveteam nyo ni Gabe," Liza winked at her.

"Oo naman," pagsangayon na rin ni Susannah. "Mas nakakakilig naman talaga kami."

Stunt Gone Awry #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon