Her Baby Girl

1.1K 59 59
                                    

Nagbayad na si Gabriel ng bill habang nasa banyo si Susannah. Hindi na kasi mapigilan ng dalaga ang mga luha nya kaya nagpasya si Gabriel na iuwi na si Susannah. He led her to his car, but he didn't turn the engine on. They just sat in silence for a few minutes. Susannah stared down at her hands while Gabriel stared out the window. When he couldn't stand the silence anymore, he reached for her hand at napangiti naman sya dahil hindi ito binawi ni Susannah.

"Babe, ano bang pwede kong gawin para bawiin mo lahat ng sinabi mo kanina?"

"Gabe, please, huwag ka ng magmakaawa. Hindi bagay sa yo," she tried to steer the subject away.

"Wala akong pakialam dahil mas importanteng maayos natin ito."

"Isang buwan na lang at manganganak na ko, so habang maaga pa magkalimutan na lang tayo, pwede?" she finally looked at him.

"Ganun lang yun?" he looked at her with pain in his eyes. "Magkalimutan?"

"Oo," she swallowed the lump in her throat and looked away again.

"Hindi ganun yun kadali, Innah!" he forced her to look at him. "Are you afraid? Why? I'm a messed up person, baby, I am."

"Mas messed up ako sa yo."

"You're not," he rested his forehead on hers. "You're not. You're my angel."

"Nanghiram lang ako ng pakpak. Sorry kung nangarap lang ako na pwede palang magkatuluyan ang isang katulad mo at isang katulad ko. Ngayon ko lang na realize na sobrang layo pala talaga ang agwat natin sa buhay. Pero okay lang...isang buwan na lang naman at hindi na tayo magkikita pa muli."

"Innah, mahal kita and ang sabi mo ay mahal mo rin ako. Paano mo nasasabi ang mga yan?"

"Dahil nga mahal kita kaya alam kong hindi ako ang para sa yo. Deserve mo ang babaeng ka-level mo. Hihilahin lang kita pababa, at hindi pwedeng mangyari yun," she said sadly, thinking abou the fact that she would be on the run as soon as she get Jason out of prison.

Sa totoo lang, kaya nyang patawarin ang mga sinabi ni Gabriel sa kanya; na kesyo ginamit lang sya nila ni Ella at kung ano pa man. The fact that he told her the truth and came clean erased all his sins against her in her eyes. Kung nangyari man yun, nangyari pa bago naging sila, though it was still hard to swallow. But it made her resolve to break up with him even stronger dahil kahit napatawad na nya si Gabriel, it didn't change the fact na sobrang layo talaga nila sa isa't isa in status in life. Si Gabriel kayang gumamit ng tao at sya naman kailangang magpagamit para lang mabuhay. Walang wala pa ang mga kasalanan ni Gabriel sa mga kasalanan nya dito. She was a liar and a bad mother. Not only did she not have intentions of letting Gabriel know about their baby, she was giving their daughter away too. Gabriel and their baby girl didn't deserve someone like her; someone like her was not worth loving. She didn't deserve someone like Gabriel, either. She didn't deserve his begging and pleading. Sino nga ba sya? Hindi na nya tuloy napigilan ang mga luhang tumulo nanaman galing sa kanyang mga mata.

"Then I'm going down with you," he told her.

"Ihatid mo na ako, Gabriel, please," she wiped her tears pagkatapos nyang bawiin ang kamay nya sa paghawak ng binata. "Pagod na ako."

Wala ng nagawa si Gabriel kundi ihatid na si Susannah sa bahay ng dad nya. She quickly got out of the car as soon as he parked at agad naman syang hinabol ng binata. He spun her around and embraced her, kissing the top of her head and trying to be strong for both of them dahil nanginginig nanaman si Susannah sa pag iyak.

"I love you, Innah. I love you. I will give you space kung yan ang gusto mo, pero I won't let you off the hook so easily. You say you're not good enough for me? If that is so, then no one is good enough for me dahil ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko. And I won't ever get tired of proving to you why I love you and why we belong together."

Stunt Gone Awry #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon