His Baby Girl

1.1K 60 31
                                    

The whole three days na nakaconfine si Susannah sa hospital ay hindi nya tinignan ang kanyang baby. Kapag tinatanong sya ni Gabriel kung gusto nyang pumunta sa NICU, ang lagi nyang sinasagot ay pagod sya o masakit ang katawan nya. Hindi rin naman pwedeng dalhin ang baby sa kwarto nya dahil nasa incubator nga ito. It was for the best, she decided, na hindi nya makita ang baby. Baka mas lalong ma-in love pa sya sa bata at mas madurog pa ang kanyang puso. Hindi naman sya iniwan ni Gabe; nagfile ito ng leave at sinamahan lang sya sa hospital. Lagi din tambay si Liza sa hospital. Minsan lang syang dinalaw ng mag asawang Alvarez; naintindihan nya naman na mga busy na tao ang dalawa at mahirap din naman para sa kanya makita ang mga kikilalaning magulang ng kanyang anak. Suze, may kontrata kang pinirmahan. Ikaw ang lumabag sa kontrata kaya huwag kang magdrama. Mas magandang buhay ang kaya nilang ibigay sa anak mo; kaya nilang ibigay ang lahat ng gugustuhin nito, at yun ang hinding hindi mo kayang maibigay. Baka pareho lang kayong pupulutin sa kangkungan kung sayo mapupunta ang baby.

"Innah, pinakuha ko na ang lahat ng gamit mo sa bahay nila dad kay Ching at dinala ko na sa condo. Dun ka na uuwi, baby."

"Gabe..." mahinang sabi nya. Nanghihina pa rin sya at ayaw nya na munang makipagtalo.

"No arguments, please. Dun ka muna magpapagaling at magpapalakas. Aalagaan kita, okay? Pwede ba yun?"

"Huwag ka ng makipagtalo, Ins," Liza told her as she handed her a plate of oranges she just sliced. "Just let him. It's been a rough couple of days for both of you....actually, a rough couple of weeks."

"Ayoko ng makipagtalo sa yo, Gabe."

"Good, dahil ayoko ring makipagtalo sa yo," he grinned at her and approached the bed. He leaned down to kiss the top of her head. "You know, I wish I was here when you were giving birth."

"Hindi ka rin naman nila papapasukin. Sabi ni Doctor Mark, yung mga magulang lang ang pwede sa loob," she almost gagged as she said the words.

"I know Mark. He would've let me. I wish I was there to hold your hand and to encourage you whenever you thought you've reached your limit. I also wish I was there to ...watch over you," he said solemnly, remembering nanaman nung nawalan ng heartbeat momentarily ang kanyang minamahal na babae.

"Mabuti nga wala ka...baka nahiya lang ako manganak sa harap mo," she tried to joke, but failed miserably. It was hard to joke when your heart was broken into a million pieces.

"Next time na lang," Liza tried to cut the tension in the room.

"Gabriel, siguro two weeks lang ako magpapagaling tapos aalis na rin ako ng bahay mo. Salamat sa pagkupkop sa akin. Nakakahiya naman kina Sir Albert kung dun pa ko umuwi sa mansyon nila," Susannah ate another orange slice.

"Baby, you can stay a week, you can stay forever. I want to work on us."

"Gabriel..." Susannah sighed.

"I'm sorry, but I will push you. Gusto ko harapin mo ang problema natin. Harapin nating dalawa ng sabay. Pagusapan natin to."

Hindi na nasagot si Susannah. She was released from the hospital after three days. Umuwi na nga sya sa condo ni Gabriel pero sa guest room sya tumuloy. Alam nyang dalawang linggo ang palugit na sinabi nya sa binata, pero ang totoo ay gusto nyang makaalis as soon as possible. Ayaw nya ng dagdagan ang guilt at utang na loob nya sa binata. Besides, sa totoo lang, the longer she stayed in his house, the more depressed she became. Every corner of his condo reminded her of her baby, at tuwing naalala nya ang bata, napapaiyak na lang sya. Simula pa lang ng pagbalik nya sa condo, kinukulong nya lang ang sarili nya sa guest room at lumalabas lang kapag tinatawag na sya ni Gabriel para kumain. Hindi rin naman sya makakain ng maayos sa sobrang sama ng loob at nagaalala na rin si Gabriel sa kanya sa pagwalang gana nyang kumain.

Stunt Gone Awry #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon