Kabanata 50.1 - Remembering you.

6.3K 146 73
                                    

Dedication

@AmorinJinkyJoy

@Secret_Girly_Annika

@lamhayeescanillas

@yitzie

DIANNE’S P.O.V

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 2 YEARS AFTER <<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Nandito ako ngayon nakaupo sa buhangin malapit sa dalampasigan sa Resort namin ditto sa CCG Batangas. Nakatingin ako sa papalubog na araw, ibig sabihin another day is about to end and later it will be dark and cold again. But it doesn’t mean na katapusan na ng lahat, kasi sa bawat paglubog ng araw ay isang panibagong pag asa para sa mas magandang mangyayari bukas.

Hindi parin ako makapaniwala na two years nap ala ang nagdaan. Dalawang taon na hindi ko na siya nakikita o nakakausap man lang. Dalawang taon na pangungulila sa isang taong, nariyan parati sa tabi ko, na nag alaga sa akin at higit sa lahat minahal ako at mahal ko rin.

Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka, at sana bantayan mo parin ako, lahat kaming nandito at nagmamahal sayo” pabulong kong sabi

Ang daming nangyayari sa mundo na hindi natin maipaliwanag. Bakit siya pa sa dami-raming pwedeng mawala, bakit ang mga taong mababait at mapagmahal pa ang nauuna? Bakit hindi na lamang iyong mga taong walang awa, walang puso, mamatay tao, rapist, rebelled, magnanakaw, corrupt at marami pang gumagawa ng kasamaan.

Masakit man para sa akin ang nangyari pero kailangang tanggapin. Naging malaking bahagi siya ng buhay ko, at habang buhay akong magiging thankful sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsasakripisyo para sa ikabubuti ko. Ayan na naman ang nagtatangkang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Bigla ko na naman na amoy ang pabangong paboritong-paborito kong naamoy araw-araw at sa alagay ko ay hindi ko pagsasawaan habang buhay. Kaya naman bumalik sa ala-ala ko ang totoong nangyari ng araw na pinasabog ang barko, mabuti na lang at kinwento niya sa akin ang buong nangyari.

[Flashback]

“Xen!” sigaw ni Ryan

Napalingon si Xen at nakitang babarilin na siya ni Mr. Torres kaya naman niyakap niya ang batang natagpuan niya. Hinintay niyang may maramdang sakit pero wala. Nakarinig pa siya ng isang pang putok ng baril kaya mas niyakap niya pa ang bata.

Akala nya katapusan niya na talaga at hindi na kami magkikita pero mukhang hindi niya pa panahon.

Mr. Chen, are you okay?” sabi ng SWAT officer na pumunta rin sa suite kanina.

Agad namang napalingon si Xen.

Yah, I’m okay, paki dala na lang nitong bata. Bakit nandito pa kayo di-ba—”

“Nakatakas kasi si Mr. Torres kaya bumalik kami ditto at hinabol siya, mabuti na lang at—“ putol na sabi ng officer

Teka—“ tumayo si Xen at hinanap si Ryan at natagpuan niya itong nakadapa at may tama sa may likuran agad niya itong nilapitan “Ryan!” sigaw ni Xen at nilapitan ito

Lumingon siya balik sa officer.

Please call for help!” sigaw ni Xen at sinubukang ipatihaya si Ryan “Bro, wake up, gumising ka” sabi ni Xen habang niyuyugyog si Ryan pero walang response

Half Of Me [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon