Dedication
@theatiff
DIANNE'S P.O.V
"Ateeeeee!!!!!" sigaw ng magaling kong kapatid sabay yugyog sa akin.
"Nakakainis ka naman Nixon e, ang sarap pa ng tulog ko! Wag mo nga akong istorbohin!.." reklamo ko sabay talukbong ulit
"Okay! Sabi mo e, naku naman sayang nama yung binayad ni Papa sa camping mo, tapos di ka rin naman pala pupunta..papauwiin ko na lang siguro si kuya Xen, sasabihan kong di ka na makakasama." sambit nito
Napaupo naman ako agad! Shockz ngayon nga pala ang alis namin papuntang Batangas!
"WaaaaaAAAAAAAAhhhh!!! Anong oras na ba??" sigaw ko sabay tingin sa mini clock ko sa may side table, 7am na at dapat exactly 8 nasa school na kami pinagbawal kasing magdala ng sariling sasakyan kaya mag bubus kaming lahat. "Paki sabi saglit lang at maliligo lang ako..." sabi ko sa kapatid ko sabay kiss sa pisngi niya "Salamat sa pag gising sa akin baby boy!" nakangisi kong sabi sabay takbo sa CR.
"Kadiri ka ate! Halikan ba ako? Tsaka baby boy? Ano ako bata? Binata na ako kaya tigilan mo na ang pagtawag sa akin niyan!!!" naiinis na sigaw ng kapatid ko.
Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag ko siyang baby boy e.
"Baby boy! Baby Boy!" paulit-ulit kong sigaw habang nasa loob ng CR.
"Haissst!" sigaw nito sabay pabalabag na sinara ang pinto ng room ko
Natawa naman ako kasi for sure pulang-pula na naman ang mukha nito sa sobrang inis sa akin. Ganito lang talaga kaming dalawa. Ganyan kami magpakita ng pagmamahal sa isa't isa.
========================================
Pagkababa ko pagkatapos kong magbihis ay naabutan kong nag cocoffee si Xen kasama si Papa.
"Good morning Pa!" sabay kiss s pisngi nito
"Mabuti naman at gising ka na iha, kanina pa nag aantay si Xen dito at mukhang late na kayo..." pangaral ni Papa
"Oo nga po e, buti na lang ginising ako ni Nixon..." sabi ko kay Papa "Pa, we'll go ahead na po..." paalam ko rito
Tumayo na rin si Xen at kinuha sa akin ang isa kong maleta and pack bag ko.
"Thank you po sa coffee tito..." sabi ni Xen kay Papa
"Okay! Mag ingat kayo, and Xen, please take good care of my daughter..." paalala ni Papa
"Don't worry tito, I will po..." sabi nito, hinawkan niya na ang kanan kong kamay at lumabas na kami sa bahay.
Naabutan naming nag gagardening si Manang Lucy.
"Manang, alis na po kami..." paalam ko kay Manang
"Oh siya ingat kayo iha, iho..." nakangiti nitong sabi sa amin
"Kayo rin po manang, wag masyado mag bilad sa araw at uso ang heat stroke.." sabi naman ni Xen
Tumango lamang si Manang kaya dumeretso na kami kung saan naka park ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng door, sinuot niya sa akin ang seatbelt bago niya nilagay sa may compartment ang maleta ko at sa back seat naman ang pack bag ko. Saka ito sumakay.
BINABASA MO ANG
Half Of Me [Completed/Editing]
RomanceXenon Christian Chen ay nag iisang anak ng kilalang businessman tycoon na si Mr. Andrew Chen. Umuwi siya ng Pilipinas dahil sa di inaasahang pangyayari na naging daan para makilala niya si Dianne Suarez na siyang magpapabago sa takbo ng kanyang buha...