Kabanata 39

6.5K 161 48
                                    

Dedication

@DhaneKitty

@ianedoloricon

@Jerryencencio28

A/N: hello po sa inyo! ^_^ pasensiya na po kahapon di ako nakapag update gawa ng brownout at nacra po ang modem ng net ko. sana po mag enjoi kayo sa update ko ngayon. :) sa mga hindi ko po nalagay sa dedication pm niyo lang po ako, di ko na naiintindihan si watty hahahaha kaya minsan di ko nakikita kung sino ang mga dapat kong ilagay sa dedication kc di ko nakikita sa notif ko. PM niyo lang po ako at magagawan natin yan ng paraan hehehe. Labyah all! mwaaaah!

DIANNE'S P.O.V

"Morning!" bati ko kay Xen nang maabutan ko itong nagluluto sa kitchen.

Dati nang maging kami never ko pang natikman ang luto nito, kasi dati ako parati ang nagluluto para sa kanya, pero hindi ko akalain kung kalian kami nag break saka ko pa nalaman na masarap pala itong magluto.

Lumingon ito sa akin habang nakangiti, kitang kita ko ang dimples nito habang nilalagay sa dining table ang ulam. Buti na lamang naka polo shirt na ito at nakaligo na rin. Ang gwapo niya talaga at ang bango-bango parin. Nasa ganoong pag iisip ako, na di ko nalamayang napapikit pala ako.

"Morning too princess! Ang aga-aga pero nananaginip ka na naman" sabi nito sabay chuckle na nagpadilat sa akin at nanlaki ang mata ko dahil ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin at nakangiti ito.

"H...ha?" utal kong sabi at umiwas ng tingin, pakiramdam ko namumula na naman ang mukha ko.

Medyo lumayo naman ito ng bahagya.

"You don't have to dream of me anymore, nasa harapan mo na nga ako e" patuloy parin nitong hirit at kumindat pa bago binalikan ang niluluto nito.

Napatawa naman ako.

"Grabe ha? Ba't parang biglang humangin dito sa condo mo kahit naka centralized aircon naman?" pang aasar ko rito

Lumingon ito sa akin na may hawak na siyanse ang isang kamay at nakapamulsa naman ang kabila nitong kamay na naka suot ng apron, mas lalo akong natawa, napakunot ang noo nito.

"What's funny?" takang tanong nito

"Ikaw!" tawa ko parin

"Sige tawa ka pa baby, mamaya magiging abala na yang mga labi mo na hindi ka na magkakaroon ng time para pagtawanan ako ulit" pagbabanta naman nito.

"Really?" panghahamon ko rito, sabay taas ng kilay

Lalapit na sana ito sa akin ng biglang tumunog ang buzz ng condo niya.

"I'll check it" mabilis kong sabi para maka iwas ako sa binabalak nito.

Agad kong binuksan ang door ng condo unit nito at bumungad sa akin si Darius.

"Hi Dianne!" nakangiti nitong bati habang naka suot ng shades, nakakaloka mula noon hanggang ngayon gwapo parin ito. Syempre naging crush ko rin naman to minsan noh.

Napangiti na rin ako ng malapad.

"Hello Darius!" bati ko rito

"Si Xen?" pabulong nitong tanong na nakangisi

Mukhang may plano itong gagawin.

"Nasa kitchen nagluluto" sagot ko rito na pabulong rin at napatawa kaming pareho

Half Of Me [Completed/Editing]Where stories live. Discover now