Kabanata 41

6K 164 61
                                    

Dedication

@GirlieBundalian

@xhygie

@_ShineMarianaLovie_

@jakzie25

@milco_ev

@bhestkoe25

@mylove0328

@amazingmeee

DIANNE’S P.O.V

Ikaw ang bigay ng Maykapal
Tugon sa aking dasal
Upang sa lahat ng panahon
Bawat pagkakataon
Ang ibigin ko'y ikaw

As I am walking down the aisle, I saw how the area was transformed into a very beautiful beach wedding, na maraming pink roses sa paligid, nandoon lahat ng mga kaibigan namin, ang parents ko, ang Dad niya at ilang relatives, lahat sila nakangiting nakatingin sa akin. Ang swerte naming ni Xen dahil nagkaroon kami ng mga kaibigang tulad ng MiRaGe at Chikabelles na hindi kami iniwan at hindi kami pinabayaang tuluyang magkahiwalay. Sila talaga ang nag effort para magkaroon kami ng second chance and super thankful kami sa kanila. I’m already close to tears sa sobrang saya, overwhelemed, halo-halo na ang pakiramdam ko because for three long years that me and Xen parted, I never thought that we would still be seeing each other and eventually get married. Ang dami nang nangyari sa aming dalawa ni Xen, pero sa mga panahong nagkahiwalay kami iisa lang ang sigurado ako, siya lang ang tanging lalaking ipinagdasal ko sa Diyos na makasama pang habang buhay, siya lang wala ng iba.

Ikaw ang tanglaw sa 'king mundo
Kabiyak nitong puso ko
Wala ni kahati mang saglit
Na sa iyo'y may papalit
Ngayo't kailanma'y ikaw

Nakatingin lamang ako sa unahan ng aisle kung nasaan si Xen naghihintay na naiiyak habang nakangiti. Ang swerte ko dahil hindi siya sumuko sa pagmamahalan naming dalawa kahit na tinalikuran ko na siya’t lahat-lahat nandiyan parin siya. Kahit na ilang beses ko siyang nasaktan at pinagtabuyan, heto parin ang Knight in Shining Armor ko, handa na naman akong ipaglaban sa kahit na anong pagsubok. Now, I know that I won’t be whole without him because he will always and definitely be the Half of Me and same through with him. Siya lamang ang kapares ng puso ko, wala ng iba.

Ang lahat ng aking galaw
Ang sanhi ay ikaw
Kung may bukas mang tinatanaw
Dahil may isang ikaw

Kahit na alam kong may malaking problema parin kaming hindi naayos, ang importante nandiyan ang mga kaibigan namin, nandiyan ang mga mahal naming sa buhay at ang pinaka importante sa lahat nandiyan kami para sa isa’t-isa. Nang makarating na ako sa gitnang bahagi ng aisle kung nasaan naghihintay sila Mama at Papa, nakita kong naiiyak na rin sila kaya pati ako mas lalo pang napaluha sa saya.

I’m so happy for you Anne” sabi ni Mama habang pupunas-punas ng luha gamit ang panyo niya at umabrisete sila ni Papa sa magkabilang side ko.

Masaya ako nak, dahil ang prinsesa ko ay magpapakasal na sa hindi lang basta-basta isang prinsipe, kundi sa taong alam kong hinding-hindi ka pababayaan kahit anong mangyari” sabi naman ni Papa

Ma, Pa, thank you talaga! Mahal ko po kayo, sobra” nakangiti kong sabi

Agad na kaming naglakad ulit, nakatingin na ako ulit kay Xen, katabi nito si Darius at ang Dad nito na parehong nakangiti rin sa akin. Parang gusto ko nang tumakbo papunta kay Xen at yakapin ito ng sobrang higpit, parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kasiyahan.

Half Of Me [Completed/Editing]Where stories live. Discover now