Kabanata 24 - The TroubleMaker

6.2K 170 46
                                    

A/N: Happy 7K read po sa ating lahat! Salamat sa patuloy pong pagbasa nitong Half Of Me, sana po ay patuloy niyo parin po akong suportahan hanggang dulo! :D

Dedication

@iloveher21

@vivian12

@aaalllaaalll

@seeyoj

@JeassaMaeValenzona

DIANNE'S P.O.V

"Naku naman Xen e, bakit niyo pa kasi kayo nakigulo sa problema ng babaeng yun, tingnan mo ang mukha mo, paano ka haharap kay Papa niyan?" pangaral ko rito, may namumuo na kasing pasa sa kaliwang pisngi nito e.

Nandito parin kami sa may lobby kaka alis lang ng Ambulance kasama yung babaeng Leah ang pangalan na siyang dahilan ng gulo, sumabay na rin sila Darius.

"E kasi naman baby, kawawa naman siya and hindi naman talaga dapat kami makikigulo ni Zander e kaso nga lang nang magtapon si Cinderella este si Leah ng sneaker niya e tumama sa mukha ni Zander kaya ayun hinabol siya nito..." paliwanag nito na pinipigil ang tawa

"Sige tawa pa! Kainis ka!" pagtataray ko parin, paano ba naman diba? Sa lahat ng gabi na pwede siyang masangkot sa gulo ngayon pa?

"What's happening here?" takang tanong ni MO na kadarating lang at di ko alam kung saan na naman galing, wala ito sa table kanina e.

"Bahala kayong magkaibigang mag usap diyan!" sigaw ko sabay walk out

Maya-maya lang din ay naramdaman kong sumunod si Xen.

"Baby wait...princess saglit..." sabi nito, at hinawakan ako sa may braso at hinarap ako sa kanya "I'm sorry na, kung pwede ko lang iwanan si Zander kanina dun ginawa ko na kaso kasi kita mo namang namilipit na sa sakit yun e, and baka mapuruhan pa siya kaya nakialam na ako.." malambing nitong sabi habang nakahawak sa magkabilang balikat ko

Syempre, hindi ko naman talaga siya matitiiis at hindi naman talaga ako totally naiinis sa kanya kundi dahil sa nangyari. Paano to mamaya pag nagkita na sila ni Papa.

"Anne, nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap ni Mama mo..." biglang sabi ni Papa at lumapit sa amin.

Kaya bigla akong kinabahan, naku naman e kulang na lang takpan ko muna ang mukha ni Xen na may pasa. Pero dahil nandito na, napakapit na lang ako sa braso ni Xen.

"Ahh..Hi Pa!..." nakangiti kong sabi "Pa, si Xen po, boyfriend ko..." pagpapakilala ko sa kanila "Xen, Papa ko si Ajax Suarez...."

Napangiti naman si Xen at agad nagpakilala ng maayos.

"Hello sir, I'm Xenon Christian Chen po..." sabi nito sabay lahad ng kamay

Inabot naman ito agad ni Papa.

"Chen? Do you happen to be the son of CGC CEO?" seryosong tanong ni papa na binawi din naman agad ang kamay

"Yes, sir..." magalang din namang sagot ni Xen.

Nakita kong napakunot ang noo ni Papa pero maya-maya ay parang may tinitingnan ito sa side ng mukha ni Xen.

"What happened to your face iho?" seryosong tanong ni Papa

"Ahh Pa, ano yan...ahmmm-" magpapalusot sana ako, pero masyadong honest tong boyfriend ko kaya ayan.

Half Of Me [Completed/Editing]Where stories live. Discover now