Dedication
@camsssie
@nine-angel
@MyNameIsDobby
@joannegjavier
@ImPorshiaaaa26_
@Jerryencencio28
@jillskie_09
@mchldnc
@ianedoloricon
@MariZiraM
>>>>>>>>>>>>>>>>WARNING<<<<<<<<<<<<<<<<<<
A/N: Munting paalala po lamang bago niyo basahin ang kabanata na to. This Chapter contains some scenes not suitable for young audiences. This is Rated SPG! Read at your own risk po salamat! :)
XENON’S P.O.V
“Sir Xen!” tawag ni Manong Driver, pakiramdam ko kanina niya pa ako tinatawag pero mukhang napasarap din ang pag idlip ko kaya dinilat ko na ang mata ko.
“Saan na po tayo manong?” takang tanong ko at aayos sana sa pag upo ng maramdaman kong may naka lean nga pala sa may balikat ko, napatingin ako kay Dianne ang sarap ng tulog nito.
“Nandito na po tayo sa Skycrapers Tower po” sagot ni Manong
Kaya naman napatingin na ako sa labas ng sasakyan at napansin ko ngang nasa parking lot na kami. Gigisingin ko na sana si Dianne, pero ang himbing ng tulog nito.
“Manong, pabukas naman po ng door dito sa side ko at bubuhatin ko na lamang si Dianne” utos ko kay Manong
Agad naman siyang bumaba ng sasakyan at binuksan ang door sa side ko. Kaya naman dahandahan ko ng inayos ang position ni Dianne saka ko siya kinarga na pa bridal style.
“Manong, pakidala na lang please ng trolley at bag pack niya” pakiusap ko kay Manong
“Opo ser” sabi nito
Nauna na akong pumunta sa may elevator at tamang-tama dahil nagbukas ito. Kaya sumakay na ako at sumunod naman si Manong. Saka ko lang na realize na hindi ko nga pala alam kung anong condo number ni Jessica ditto.
“Manong, alam mo ba ang condo number ni Jessica ditto?” tanong ko rito
“Naku ser, wala po akung alam diyan e” sagot naman nito na napakamot sa ulo
“Ganon ba? Pwede mo bang tawagan sila Rickz? Para malaman natin kung saang floor tayo” sabi ko naman rito
Agad naman nitong nilabas ang cellphone niya at sinubukang tawagan sila Rickz.
“Naku ser, wala pong sumasagot e” sabi ni Manong
Napabuntong hininga na lamang ako. Bakit kasi di ko inalam kanina kay Dianne kung anong condo number ni Jessica e.
“Manong, paki press po ng button number 4” sabi k okay Manong at agad naman nitong sinunod
Dahil hindi ko naman talaga alam kung anong room number ni Jessica ay sa condo ko na lamang muna dadalhin si Dianne. Kesa naman manatili kami sa loob ng elevator. Maya-maya lang ay dumating na kami sa 4th Floor at bumukas na ang elevator, naglakad na kami palabas ni Manong ng biglang magising si Dianne.
BINABASA MO ANG
Half Of Me [Completed/Editing]
RomanceXenon Christian Chen ay nag iisang anak ng kilalang businessman tycoon na si Mr. Andrew Chen. Umuwi siya ng Pilipinas dahil sa di inaasahang pangyayari na naging daan para makilala niya si Dianne Suarez na siyang magpapabago sa takbo ng kanyang buha...