Kabanata 27.3 - A Glimpse from the Past

5.4K 160 122
                                    

Dedication

@eirykyoj

@madamoisellefevie

@CrazyBaliwGirl

@marleiM18

@auroragpoblete

@SzandraSzandraneyney

@notsoverylucky

@evezsingle09

@bella4021

@mlr_mtb

DIANNE'S P.O.V

[Flashback]

"Dee, Mahal kita sobra-sobra at wala akong pakialam sa kung anong eskandalo man ang binibintang nila sa Papa mo..."  seryoso nitong sabi habang hawak-hawak niya ang aking dalawang kamay.

"Alam ko Rye pero kasi ayaw kong madamay ka o mapagalitan ka pa ni Tito Fred dahil lang sa paglapit-lapit mo sa akin, at ayaw kitang idamay sa kahihiyang ibinibintang nila sa pamilya ko..." sabi ko naman rito

"Sinasabi mo ba yan dahil talagang ayaw mo lang akong madamay o dahil sa hindi mo naman talaga ako mahal? Kasi kung yung huli ang dahilan mo--" putol nitong sabi

"Hindi sa ganoon Rye Ma--" magtatapat na sana ako ng totoo kong nararamdaman ng biglang may isang van na tumigil sa tabi namin.

Biglang bumaba ang Daddy ni Ryan mula sa sasakyan at nilapitan kami. Hinila ko kaagad ang mga kamay kong hawak-hawak ni Ryan.

"Iho, we better go!..." seryosong saad ng Dad nito, ni hindi man lang ako nito magawang tingnan

Dati-rati ng bait at para na naming second father itong si Don Fredericko Alejandro at anak naman ang turing niya sa amin ni Nixon, pero simula nung magkaroon ng eskandalo dahil sa balitang isang corrupt na Mayor si Papa ay nagbago rin ang pakikitungo niya sa amin. Matalik silang magkaibigan ni Papa, kaya naman hindi namin lubos akalain na iiwan niya lamang si Papa sa ere kahit hindi pa naman talaga napapatunayang may sala ang Papa ko.

"Pero Dad, nag uusap pa po kami ni Dee.." reklamo ni Ryan sa ama

"Napag usapan na natin to Ryan! At kung ayaw mong mapahiya ka rito sumakay ka na sa sasakyan!!" sigaw ni Tito Fred saka tumalikod at sumakay na sa van.

Sumunod naman si Ryan pero muli itong lumingon sa akin at nag mouth ng sorry. Napasunod na lamang ako ng tingin sa papalayong van nila. Papasok na sana ako sa bahay ng may matanggap akong text sa cellphone ko at galing iyon kay Ryan.

[Rye-rye ko <3]

Dee, kung wala ka naman talagang feelings for me, matatanggap ko naman pero sana wag mo akong ipagtabuyan paalis sa buhay mo. Kahit yun lang.

Nalungkot naman ako sa text nito. Ang manhid din kasi minsan nitong si Ryan, di niya pa ba nararamdaman ang totoo kong nadarama para sa kanya? Kaya naman nag reply na ako agad.

TO: [Rye-rye ko <3]

Rye, ewan ko kung sadyang manhid ka lang o ayaw mong mag assume. Pero ang totoo niyan mahal rin kita, tandaan mo yan, di magbabago yan kahit kailan. Pangako!

Naghintay ako ng text mula sa kanya pero lumipas ang ilang oras wala parin. Pagkauwi ko ng bahay naabutan ko si Mamang nag eempake na.

"Ma? Ano pong nangyayari at nasaan si Papa?" takang tanong ko rito

Half Of Me [Completed/Editing]Where stories live. Discover now