Kabanata 21- Officially Mine! <3

7.3K 191 56
                                    

Dedication

@Your_cutiepie

@Zhamazeeng

@SyDney1122

A/N: THANK YOU PO SA LAHAT NG PATULOY NA NAGBABASA NITO SANA PO AY MASIYAHAN KAYO SA KABANATANG ITO :)

[Look at the picture of the couple hoodies of Dianne and Xen]

DIANNE'S P.O.V

-TOK-TOK-TOK-

Nagising ako sa lakas ng katok sa pintuan ng kwarto ko. Tiningna ko ang maliit kong clock sa side table ng bed ko grabe ang aga 7am pa lang. Kaya naman padabog akong umupo sa bed ko.

"Pasok.." sigaw ko sa kumakatok

Pumasok si Mama na may dalang pagkain na nakalagay sa tray, lumapit siya sa akin na nakangiti, nagulat naman ako anong meron at pinagluto ako ni mama?

"Ma? Ano po to?" napatingin ako sa nilapag niyang tray sa may hita ko at doon ko lang napagtanto na hindi galing kay mama ang pagkain kasi may nakita akong isang long stem rose sa side ng meal.

Actually simple lang naman ito naka cup yakimeshi rice plus breaded chicken in white sauce with leche flan sa seperate na plate.

"Maaga kang pinagluto ni Xen kanina nak, pero umalis din ito agad at may aasikasuhin raw kaya ako muna ang maghahatid sayo sa school." diretsong sabi ni mama kaya naman napangiti na lamang ako.

Kinuha ko ang rose kasi may naka kabit ditong maliit na note kaya binasa ko ito.

Rose #1

Good morning princess!

I hope this simple meal I prepared will put a SMILE on your beautiful face.

Your Knight in Shining Armor,

Xen

Kinilig naman ako sa note niya at mas lalo akong napangiti.

"Bago ka tuluyang kiligin diyan sa pakulo ng manliligaw mo, pinapabigay niya rin pero wag mo daw munang buksan, sasabihan ka raw niya pag pwede mo ng i-open.." sabi ni mama sabay bigay ng isang naka gift wrap na box.

Namula naman ako sa sinabi ni mama.

"Ma naman e.." reklamo ko rito

"Oo na..lalabas na ako, bilisan mo at baka malate ako sa trabaho..." sabi ni mama

Kaya naman pagka alis ni Mama ay agad kong kinuha ang phone ko para itext si Xen.

"Thank you for the meal and the gift, I thought si Blue na ang gift mo for my birthday? ^__^" text ko rito.

Nagsimula na akong kumain dahil baka bumalik na naman si mama at mapagalitan ako. Nang matapos akong kumain ay naligo na ako and nag prepare na. Nang makapag bihis na ako ay tiningnan ko ulit ang cp ko, 8am na at walang reply galing kay Xen. Ano na naman kayang importanteng ginawa nun?

Nilalagay ko na ang ibang gamit ko sa bag ng biglang may kumatok na naman.

-TOK-TOK-TOK-

"Pasok!"

"Ate!" nagulat naman ako sa pag sigaw at biglang pagsampa nito sa kama sa tabi ko. Pagagalitan ko sana ng pagtingin ko ay may pinakita itong isa pang long stem pink rose, kinuha ko ito "May nagpapabigay!" sabay kindat ng kapatid ko "Bilisan mo na raw sabi ni mama, iiwan ka na namin..." habol pa nito at agad lumabas ng kwarto ko.

Half Of Me [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon