Kabanata 31 - First Revelation!

5.1K 159 56
                                    

Dedication

@princesswyneth

@VLCbeb2718

@zia2256

@AZBCDSHFDSDAFSR

@iamgenz024

@Hoshimi-Chan18

@Miss_Damsel

@EllysseA

@athenaaah

@dixie_lover

DIANNE’S P.O.V

Hindi ko man gustong gawin iyon pero kailangan, dahil hindi lang ang sarili ko ang manganganib kundi pati na rin sila Mama lalong-lalo na si Papa. Akala ko noong una pinakamalaking magiging problema namin ni Xen ay ang mama niya lamang, kung yun lang sana hindi ko siya iiwan, lalaban akong nasa tabi niya. Pero ngayong alam ko na ang buong katotohanan, kahit ako di ko alam paano ko ito lulusutan. Pagkatapos ko kasing hindian ang proposal ni Xen sa harapan ng parents niya, ay agad akong umuwi para kausapin si Papa. Kung sa akin lang gustong-gusto kong tanggapin ang proposal ni Xen nung time na yun, pero dahil sa mga sinabi ng Mama niya ay kailangan ko muna siyang tanggihan dahil gusto ko munang malinawan sa kung ano ba talaga ang nagyari noon at dahil na rin sa nag worry ako sa pagbabanta nito. Kaya pagka uwi ko ng bahay ay agad kong kinausap si Papa. Kaya naman sinama niya ako sa Park malapit sa bahay dahil ayaw niya na raw na pati si Mama ay mag alala rin.

[Flashback]

“Pa, ano po bang nangyari noon? At ano po ba talaga ang totoo?” tanong ko agad rito

Napayuko naman ito at napabuntong hininga.

I’m sorry anak, pero nadamay lang ako hindi naman talaga—“ pinutol ko muna ang sasabihin nito

So, totoo po? Nagnakaw kayo sa pera ng bayan? At Pa, ikaw ang may kasalanan kung bakit nagka ganoon ang Daddy ni Xen?” inis kong sabi rito

Pero nak, wala kong choice, kailangan kong gawin yun dahil kung hindi idadamay nila ako, ako ang makukulong at papatayin nila kayo ng Mama mo at si Nixon…okay na sana na ako lang e, pero pati kayo anak? Hindi pwede yun…” naiiyak na sabi ni Papa

Paano ba kayo nasangkot diyan Pa? Ano ba yan?” tanong ko

Nak, mas mabuting wala kanga lam, dahil siguradong tatalian ka rin nila sa leeg pag nalaman mo ang tungkol sa kanila, nadamay ako dahil sa isang papeles na pinirmahan ko, sa sobrang pagtitiwala ko sa isang tao, ako pa tuloy ang parang naging ghost dummy nila na pinapalabas na boss, para mapagtakpan ang totoong lider nila…” kwento nito

Ano? Pero Pa! Pwede naman natin silang isuplong sa mga pulis, sabihin mo sa kanila ang totoo…” matatag kong sabi

Hindi ganoon kadali yun anak, may hawak din ata sila kahit sa pulisya, anak malaking tao ang may hawak sa organisayong to, akala ko ang pag Sali ko sa kanila at pag invest ay makakatulong para sa ikakaunlad ng buhay natin pati na rin ng komunidad ng Isabela pero nagkamali ako, hindi ko sinasadyang gawin yun sa Dad ni Xen, pero anak, wala akong magawa pinapapili nila ako, ang gawin yun o ang patayin nila kayo…” malungkot na sabi nito

Napaiyak na ako. Hindi ko akalain na sa ilang taon na hindi naming nakasama si Papa ay naging mahirap ang buhay nito. Para siyang naging isang tuta ng kung sino, ang pinaka masakit pa ay naging biktima nila ang pamilya ni Xen at si Papa pa ang lumabas na siyang may kagagawan. Paano na ito ngayon?

Half Of Me [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon