Dedication
@PriteyStrawberryGirl
@jefeanforever
@meanwriting_girls
@leahcute26
@aina4551
@HarlynBuenaDoroteoBu
@MsCrazyLovesYou
@klea-anne
@gandatata
XENON’S P.O.V
“Bro, let’s go na! Tinatawag na ang flight natin” sabi ni Darius sa akin
“Wait lang bro, tinatawagan ko pa si Kyrie, baka mas lalong magtampo yun kung malalaman niya na lamang na umuwi na ako ng Pilipinas” sabi ko rito
Naka ilang tawag na ako pero di nito sinasagot ang cellphone niya mukhang nagtampo ito ng todo sa akin. Idadial ko pa sana ulit ang number nito ng biglang may humablot ng phone ko.
“’Cous, halika na!” sabi ni Bea pagkatapos niyang hablutin ang phone ko at umabrisete na kay Darius
“Bea, give me my phone back!” inis kong reklamo ditto
“I’ll give it back to you pag nasa Pilipinas na tayo, mahirap na baka mamaya may humarang pa sa eroplano natin noh” mataray nitong sabi
Nagpipigil naman ng tawa si Darius.
“Di ako sasama hangga’t di mo binabalik ang phone ko” sabi ko rito habang hinahayaan silang maglakad palayo
Napatigil naman ang cousin ko at hinarap ako.
“Sigurado ka diyan sa sinasabi mo dear cousin?” hamon nito na nakataas ang kilay
“Yes! I’ll stay, you guys go ahead” sabi ko at tumalikod na para lumabas ng airport
Nagulat na lang ako ng may pumingot sa tenga ko.
“Array! Bea ano ba?!” reklamo ko pero di ito nagpa pigil
Hinila ako nito habang hawak-hawak ang tenga ko papunta sa Gate number namin. Nang nandoon na kami ay kinuha niya sa kabilang kamay ko ang ticket at passport ko at siya na mismo ang nagpakita sa flight attendant doon.
Nang makapasok na kami ay binitawan niya na rin ako. Napahawak ako sa tenga ko feeling ko parang matatanggal na ata ang tenga ko.
“You’re so rude you know!” sigaw ko rito
“Whatever!” balik nitong sabi at umabrisete sa akin at kay Darius “Let’s go boys!” sabi nitong nakangiti sabay hila sa amin ni Darius
“I told you to be really nice bro” natatawang sabi ni Darius
“Isa ka pa! Naturingan kitang bestfriend pero di mo magawang awatin itong napakaganda at NAPAKABAIT mong girlfriend” sarkastiko kong sabi
“Parang di ko gusto ang tono ng pagkakasabi mo ‘cous” banta ulit nito habang nakatingin sa akin
Ngumiti naman ako ng pilit, nang biglang mag ring ang phone ko.
“Give me my phone please, baka isa yan sa mga clients ko Bea” sabi ko rito
Inalis niya ang pagkaka abrisete sa akin at tiningnan ang phone ko maya-maya ay in-off nito iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/23736215-288-k53441.jpg)
YOU ARE READING
Half Of Me [Completed/Editing]
RomanceXenon Christian Chen ay nag iisang anak ng kilalang businessman tycoon na si Mr. Andrew Chen. Umuwi siya ng Pilipinas dahil sa di inaasahang pangyayari na naging daan para makilala niya si Dianne Suarez na siyang magpapabago sa takbo ng kanyang buha...