Kabanata 29

5.1K 157 51
                                    

Dedication

@leyangs

@CutieGwyne26

@rosepasingca

@pangite

@queenlyn18

@Padasas

@missJL3095

@jenel_geraldez

DIANNE'S P.O.V

"Baby, are you okay?" alalang tanong nito, hawak-hawak niya ang kaliwa kong kamay habang nagmamaneho.

Lumingon ako sa kanya at bahagyang ngumiti. Kinakabahan kasi talaga ako and alam niyo yung feeling na parang gusto mo munang magpaturo ng tamang pagharap sa mga magulang ng boyfriend mo.

"I'm okay baby, I'm just really nervous..." sagot ko rito sabay hawak ng mahigpit sa naka sugpong naming kamay.

Lumingon ito saglit sa akin at ngumiti saka humarap ulit sa daan. Papuntan na kami ngayon sa bahay nila para doon mag dinner.

"It's okay to nervous at times, pero remember baby, kasama mo ako, so just be yourself because I love you just the way you are..." nakangiti itong nag wink sabay halik sa kamay kong hawak-hwak niya.

Napangiti naman ako.

"Thank you..." nakangiti kong tugon dito "I love you too..."

===========================================

Maya-maya lang ay pumasok na kami sa isang malaking gate na sa wari ko ay naka automatic. Bumungad sa paningin ko ang napakalaking modern mansyon ng mga Chen. Grabe ang ganda. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Dineretso ni Xen ang sasakyan niya sa may main entrance ng bahay, may naghihintay ng tao doon na parang mayordomo nila kaso naka uniform pa ito. Nang tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng lalaki ay pinagbuksan ako nito ng pintuan kaya nauna na akong bumaba. Maya-maya lang ay narinig ko na ring sinara ni Xen ang pinto ng car niya sa side niya.

"Roel, paki park na lang ng maayos ha?" rinig kong sabi niya doon sa lalaki sabay bigay ng susi niya " Nasaan sila mommy?" tanong nito

"Nasa library po sir, hinihintay kayo..." rinig ko namang sagot ng lalaki

Habang nag-uusap sila ay napatingin ako sa paligid. Ang ganda ng pagkaka land scape ng front portion ng bahay at napaka aliwalas. Higit pa roon ay sadyang napaka sosyal. Di nga ata naka 1/4 ang bahay namin sa bahay nila e. Nakatingin ako sa desenyo ng bahay nila ng bigla itong magsalita sa tabi ko.

"So, what do you think of my parents' home?" nakangiti nitong tanong sa akin

Napalingon ako sa kanya, ngumiti sabay umabrisete rito.

"Sobrang laki at maganda..." sagot ko sa tanong niya

"Palagy mo baby? Would you like to live with this kind of house? I mean in the future pag nagpakasal tayo which for me I'm very sure na ikaw na..." seryoso nitong tanong

"Is that a proposal already Mr. Xenon Chen?" biro kong tanong

Napangiti naman ito.

"Pwede! But this is what you call planning for our future...syempre I would still do something special pag yung time na alam kong ready ka na to settle down, kasi ako naman anytime pwede na, pero ikaw I know may mga gusto ka pang gawin..." nakangiti nitong sabi " So, gusto mo ba yung ganitong klaseng bahay?" seryoso nitong tanong

Half Of Me [Completed/Editing]Where stories live. Discover now