♥ Poser

31.3K 68 2
                                    


POSER -   gumagamit ng muka ng iba, ngprepretend na sya yung ibang tao.


-------------------


Sa side ng POSER:

"Ginagawa ko to para naman mapansin nila ako. Na gwapo/maganda ako. Kasi sa totoo lang, kung ipapakita ko yung totoong itsura ko, walang papansin sakin. Pag gwapo/maganda ako, sisikat ako. O kaya naman ginagawa ko to kasi natutuwa akong kinagigiliwan ako ng ibang tao. Dito lang ako pwedeng maging masaya. Online. Kasi sa totoong buhay, forever alone ako. Saka hindi naman nila malalaman eh. Hindi naman nila ako nakikita"


Sa side naman ng ibang tao:

"Dre, hindi ka ba proud sa mukha mo? Hindi ba’t yang mga mukhang yan, galing din sa mukha ng mga magulang mo? Edi ibig sabihin, ikinahihiya mo din yung itsura ng mga magulang mo kasi yang mukhang yan na produkto nila ay mismong ikinahihiya mo. Matatanggap naman kita kung nagpakatotoo ka. Sana hindi ka nagtatago sa mukha ng iba. Oo, wala kang itsura o kung ano man yang dahilan mo, pero di mo ba naisip na meron kang bagay na wala sa iba? Show up dude. Kung tinanggap ka ng Diyos, matatanggap din kita"


Sa side ng kinuhanan mo ng mukha:

"Oo, kinatutuwa ko na nagwapuhan/nagandahan ka sakin to the point na kailangan mong kuhanin ang mukha ko at gawing sayo to. Pero hindi ka ba napapagod na iupdate yung sarili mo everytime na may bago akong larawan? Paano kung hingian ka ng ibang tao ng ganitong pose, o ganitong larawan na wala ka naman. Tapos hindi mo mahindian. Pre, mas mahirap yun. Paano mo sasabihin sakin na kailangan mo ng ganung picture ko"


-------------------


Nako guys. Hindi naman mukha ang basehan sa mga bagay na yan. Matatanggap at matatanggap mo ang isang tao lalo na kung totoo ka sa kanya. Bonus na lang yung itsura ng isang tao  :))

Quotes Nating LahatWhere stories live. Discover now