♥ Araayyy!

153K 977 192
                                    

GOOGLE/CopyPaste

Sa ngalan ng Pag-ibig

 

Sabi ng iba, mapaglaro ang pag-ibig. Mapaglaro nga ba talaga ang pag-ibig? O ang mga tao lang ang mapaglaro sa pag-ibig?

---------------------------

Para sa mga taong paasa:

 

Ang sweet mo sa kanya… Inaalalayan mo… Lagi mong tinatawagan para kumustahin at kung kumain na siya… Yung tipong parang kayo kung ituring mo siya. Alam mo bang pinapaasa mo lang siya? Oo dahil sapat na iyon para umasa siya, binibigyan mo siya ng rason para umasa.

Masaya ka ba sa ginagawa mo? Na sa isang araw malalaman mo na lang na nasasaktan na pala siya. Oo, hindi mo siya sinabihan na mahal mo siya pero sapat na ang ginagawa mo para umasa siyang may nararamdaman ka sa kanya. Isipin mong mabuti ang ginagawa mo, huwag mo siyang bigyan ng rason para umasa. Alam mo kung gaano kahirap ang masaktan. Kung wala kang balak na ligawan o kahit ano pa man, diretsohin mo na para sa una palang ay malinaw na ang lahat.

Para sa taong umaasa:

 

Ang sweet niya sa iyo noh? Inaalalayan ka.. Tinatanong kung kumain ka na ba.. Tinatawagan ka para kamustahin at sabihing mag-ingat ka pero ang tanong kayo ba? Dahil sa ganito ang ginagawa niya sa iyo, heto at umaasa kang mahal ka niya. Malay mo, ganyan lang siya talaga sa ibang tao. Hindi maiiwasan ang umaasa lalo na kapag may rason di ba? Ang hirap umasa lalo na sa wala. Hindi lahat ng pinapakita sa iyo ng tao ay totoo at mahal ka. Sadyang may mga taong mangpaasa ng tao at itong ikaw, asang-asa namang may nararamdaman siya sa iyo. Gumising ka sa katotohanang hindi ka niya mahal. Masakit, oo, pero kailangang tanggapin na hindi kayo. Hindi naman masama ang umasa eh basta alam mo lang ang limitasyon mo.

---------------------------

♥ Harutan at Landian

 

Minsan mas nagtatagal pa yung mga relasyong nagsimula sa harutan at simpleng landian. Sa simpleng landian kasi mas nagkakaroon kayo ng pagkakataon na makilala yung isa’t-isa. Hindi kayo masyadong nasasakal kasi hindi nyo naman talaga binalak na magkaroon ng commitment. Mas open kayo sa isa’t-isa, walang masyadong hiyaan. Kahit sino sa inyong dalawa, pwedeng gumawa ng first move. Walang malisya yung mga biglaan mong akbay, yakap at halik kasi aakalain niyang naglalandi ka lang. Nadevelop kayo sa isa’t-isa dahil sa personality nyo at hindi dahil sa physical attraction. Mas nagiging masaya at tight kayo habang tumatagal, hindi katulad ng karaniwang relasyon na sa una lang sweet tapos kapag lumipas ang panahon unti-unting nanlalamig.

---------------------------

♥ iba ang NOON sa nangyayari NGAYON!

 

Noon: makita mo lang siya, buo na ang araw mo.

Ngayon: makita mo lang siya, sira na ang araw mo.

Noon: masabi mo ang lahat sa kanya kahit mga sweet na salita at di magandang salita.

Ngayon: wala ka ng karapatan para sabihin ang lahat sa kanya.

Noon: naiinis ka kapag txt siya ng txt sa iyo kung kumain ka na ba o nakauwi ka ng maayos sa bahay mo.

Ngayon: nganga na! Naghihintay ka na lang sa txt niya kahit malabo na.

Noon: ang sweet niya sa iyo.

Ngayon: hinihiling mo na sana makakita ka ng gaya niya.

Quotes Nating LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon