♥ Walang masama kung babae ang aamin

30.4K 77 5
                                    

Walang masama kung babae ang aamin:


♥ Nakasanayan na sa kulturang Pilipino na ang babae ang nililigawan at sinusuyo ng mga lalaki. Kailangan lalaki ang nagpapakahirap, nagpapakapagod, nagsasakripisyo, at higit sa lahat, kailangan lalaki ang aamin kay babae.

♥ Sa konsepto ng mga Pilipino tungkol sa “panliligaw”, lalaki talaga ang nanunuyo sa babae. Kasi raw, ang pangit daw tingnan kung babae pa ang gagawa ng paraan para magkalapit sila nung lalaki. Dapat daw pa-conservative type ang mga babae, para masabing isa siyang tunay na Dalagang Pilipina”.

♥ Sa pananaw ko naman, walang masama kung ang babae ang aamin tungkol sa nararamdaman niya para sa lalaki. Marami lang talagang babae ang hindi magawang umamin sa lalaking gusto nila dahil nga baka sabihan silang malandi, desperada, at kung anu-ano pa. Para sa’kin, ang mga nanghuhusga ng ganun ay mga makikitid ang utak.

♥ Sa panahon ngayon, masyado pa din bang big deal kung babae ang aamin kay lalaki? Naiintindihan ko naman yung punto ng mga babae. Ang akin lang, ano naman kung babae ang unang magka-gusto sa lalaki? Ano naman kung ang babae ang umamin sa lalaki na gusto niya ito? Ibig sabihin lang nun, ay malakas ang loob at matapang yung mga babaeng ganun. Kaya nilang patunayan na hindi mahihina ang mga babae, at dapat ay nasa bahay lang at pagsisilbihan ng asawang lalaki. Ibig sabihin lang nun, hindi sila natatakot kung ano man ang maging kahinatnan ng ginawa nila, dahil ang importante ay nagpaka-totoo sila sa sarili nila.

♥ Hindi ba’t sinasabi natin madalas na, “Just be true to yourself.” Para lang ba sa mga lalaki yun kaya sila lang ang may karapatan na umamin sa mga babae? Siyempre para din yun sa mga babae dahil sila din naman ay may karapatan na magka-gusto sa mga lalaki, at may karapatan din silang ipahayag o i-express ang nararamdaman nila.

♥ Wala talaga akong nakikitang masama kung ang babae ang maglalakas-loob na umamin sa lalaki at sabihin ang totoong nararamdaman niya para sa taong gusto o mahal niya. Tama na ang stereotyping at paniniwala na dapat kapag Pilipina ka, conservative ka. Tandaan mo na wala tayo sa panahon nila Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Kung gusto o mahal mo ang isang tao, sabihin mo! Ipagmalaki mo! Hindi naman porket umamin ka sa kanya, ay dapat mage-expect ka na gustohin o mahalin ka din nila pabalik. Ang mahalaga ay nasabi mo ang tunay mong saloobin at nararamdaman, at higit sa lahat, hindi mo kinukulong ang sarili mo sa kasinungalin. Nagpakatotoo ka lang sa sarili mo, yun ang importante!

Quotes Nating LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon