♥ Untitled: Part 1

21.8K 40 6
                                    


Maraming tao na ang dumaan sa aking buhay. Kung ano ano tinatawag nila sa akin. Lahat ng palayaw na maaaring mabuo sa pangalan ko ay nagamit na. Ngunit alam mo kung ano ang nakakapagtaka? Yung kapag ikaw na ang bumabanggit ng pangalan ko, pakiramdam ko isa na iyon sa pinakamagandang pangalan na narinig ko. Abot langit ang ngiti ko sa tuwing sinasambit mo ang bawat letrang bumubuo sa pangalan ko. Hindi ko maiwasan na kiligin dahil sa tuwing sinasabi mo ito, pakiramdam ko ay kilalang kilala mo na ako. Iisa na lang talaga ang hinihiling ko. Na sana pagdating na panahon, iisa lang ang magbago. Yun ay ang huling parte ng pangalan ko. Yun ay dahil nais kong maikabit dito ang huling parte naman ng pangalan mo. Walang iba kundi ang iyong apelyido.


--------------------


Naramdaman mo na ba yung mas gusto mong manatiling gising dahil ayaw mo pang mapawi lahat ng kilig sa katawan mo? Yung gustong gusto mo pa siyang makatext, makausap, at makakulitan sa telepono? Yung kahit pinapatulog ka na niya o kaya ng mga tao sa bahay niyo, sadyang di ka makatulog dahil ayaw mo pa matapos maramdaman yung sayang hatid ng katotohanang nakausap o nakasama mo siya? Yun ay dahil sa mahal na mahal mo siya. Siya ang laman ng bawat panaginip mo ngunit iba pa din ang pakiramdam na makasama mo siya ng totoo. Nahahawakan, naririnig ang boses, nakikiliti, nayayakap, nahahalikan at nakakaakbay. Ibang iba sa panaginip. Kaya sa tuwing nakakasama at nakakausap mo siya, sana tumigil ang oras upang hindi dumating yung oras na kailangan niyo na matulog at maghintay ng panibagong bukas para kiligin.


--------------------


Paano mo malalaman kung in love ang isang babae?
Bigla na lang ngingiti ng walang dahilan. Minsan, maisip lang yung lalaki, sobrang tamis na ng ngiti niyan.
Lagi niyang bukambibig yung lalaking dahilan ng mga ngiti niya.
Masaya siya at mahahalata mo yun sa bawat kilos at galaw niya.
Kakaiba yung kinang ng mga mata ng mga babae kapag in love! Di mo maikakailang mahal na mahal ka talaga niya.
Kakaiba yung gloom ng mukha niyan. Halata mo yun kasi kung babae ka, mag-aayos ka talaga para di ka maagawan ng boyfriend.
Tapos kikiligin yung babae kapag kasama yung lalaki. Parang high school lang.




Quotes Nating LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon