♥ May tama ka #1

74K 338 77
                                    

♥ Pag may nagtext sya kaagad ang iniisip mo, tapos magagalit ka kapag hindi sya yung nagtext. 


--------------------

Ang dakilang sign ..


Madalas ang daming tao naniniwala sa sign.. tipong pag ngyari yung ganito, "sya pipiliin ko.. pag parehas kami ng suot o ginawa nya to, meant to be kami" ang dami daming relasyon madalas nasisira dahil sa sign na yan.. Minsan kasi parang hinahayaan mo na lang i asa yung buhay mo sa pag hingi ng sign.

--------------------

Masyado ka kasing nakafocus sa taong hindi ka naman gusto kaya di mo makita yung totoong nagmamahal sayo:


Yung pinagtutuunan mo ng pansin yung pinakamamahal mo, kahit yung totoo wala namang pinatutunguhan yung pagpapakatanga mo. Yung di na naman niya gusto pero ikaw pinagpipilitan mo padin yung sarili mo. Nagpapampam kana’t lahat waepek padin kasi di ka niya talaga gusto. Yun yung totoo. Uso nga move on diba? Pero pano mo nga makikita yung taong para sayo kung magfofocus ka pa din sa taong di ka naman pinapahalagahan, sa taong di ka naman gusto? Wag tanga. Tumingin kalang sa paligid mo, mamaya nandyan na pala siya isinasantabi mo pa. Nandyan na nga inechepwera mo pa. Bigyan mo din kasi ng chance yung mga ibang tao na handang mapasaya ka. Di yung habang buhay nagpapakatanga ka.

 --------------------

haixt! pakipot kasi eh yan tuloy sumuko :(


Yung lalakeng mahal na mahal ka pero dumating dun sa point na nagsawa ng maghabol dahil sa sobrang napakapakipot mo. Ayan nagsisisi ka ngayon kasi wala na siyang pake sayo at yung katotohanang may bago na siyang nililigawan at kaibigan mo pa. Masakit no? Pero may magagawa ka pa ba? Kasalanan mo rin yan.

--------------------

".... mahal ko eh"


“Mahal ko eh, titiisin ko. Kahit ano pa yan, alam ko namang sa dulo, kami pa rin. Mahal na mahal ko sya at ayaw ko syang mawala sa akin, gagawin ko ang lahat wag lang syang mawala sa akin. Di nya naman ako iiwan, lalaban daw kami. Kahit masakit. Mahal na mahal ko sya.”

Meron talagang mga taong, minsan, ganyan ang pananaw sa buhay. Paano kung hindi kayo ang nakatadhana? Lalaban ka pa ba? o Titigil ka na? Ang hirap kase, mukha ng tanga, tuloy lang ng tuloy. Pero, naiintindihan ko naman. Lahat naman siguro tayo, handang magpaka tanga di ba? Pero paano kung sarili mo na yung napapabayaan mo? Di ka makapag-focus sa pag aaral mo dahil sya yung pino-problema mo, at iba pang hindi magagandang epekto. Sa tingin mo? Tutuloy ka pa ba? Kung yung taong pinag titiisan mo, may iba na? Handa ka bang buksan ang puso mo para sa bagong handang lamangan ang tulad nya? Ipaglalaban mo pa ba sya, kung sya mismo, pinapalayo ka na? Mamahalin mo pa sya, kung may mahal na syang iba? Handa ka bang masira ang pangalan mo, dahil pilit mo syang binabawi sa taong may ari na sa kanya ngayon? Papahalagan mo pa ba sya, kung wala na syang pake sayo? Oo? Hinde? 

Quotes Nating LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon