♥ Friend zone

39K 101 25
                                    

♥ Friend zone .....


Kapag pumasok ka agad sa Friend Zone, hindi ka na makakalabas, at habambuhay ka na niyang makikita bilang “Friend” at wala nang iba. Kung nais mong mapasaiyo siya dapat:

 malinaw sa kanya ang iyong intensyon sa simula pa lang na ayaw mong maging “just friends”

 hindi siya sigurado at nalilito siya kung ano ang gusto mong mangyari. Mas epektibo ang pangalawa.


-------------------------------


Ngayon, upang sagutin ang tanong mo, paano malalaman kung nasa friend zone ka na? Ano ang mga palatandaan ng “friend zone” na ayaw nating pasukin.

Narito ang ilang mga palatandaan:

♥ Tinatawag ka niyang “ate,” “kuya,” o kung anumang term of endearment na nababagay lamang sa kamag-anak. Nasa friend zone ka rin kung tinatawag kang “best,” “tol,” “tsong,” at “pare.”

♥ Ikaw lagi ang second choice niya pag gigimik siya at wala yung nililigawan niya (o nanliligaw sa kanya). O di kaya, first choice ka sa lahat ng lakad niya kasi single siya. Kumbaga, ikaw ang defacto date.

♥  Hanggang hug ka lang, at occassional na beso.

♥ Hinahawakan lang niya ang kamay mo kapag tumatawid kayo ng kalsada (o nagpapahawak lang siya ng kamay kapag tumatawid kayo ng kalsada).

♥ Kilala na niya ang buong pamilya mo (or kilala mo na ang buong pamilya niya) at kilala ka nila (or kilala siya ng pamilya mo)

♥ Parati ka niyang hinihingan ng love advice.

♥ Sa’yo sya lagi nagpapaayos ng laptop, computer, TV, lababo, etc. Ang kapalit lang no’n ay isang mahigpit na hug at konting miryenda.

♥ Lagi kang available.

♥ Lagi kang nagvovolunteer magbayad ng shits niya, at hindi ka niya pinipigilan. Dumating na rin ang point na hindi na siya nag-ooffer dahil alam na niyang automatic na sayo’ng ikaw ang sasagot.

♥ Never pa kayong nag-dinner na kayong dalawa lang. Puro lunch lang at breakfast. Kung umoo man siya sa dinner, laging may niyayaya siyang third wheel.

Quotes Nating LahatWhere stories live. Discover now