♥ Ang hirap maging kaibigan....lang

22.9K 51 5
                                    


KAIBIGAN KA LANG ?

Nakakainis kapag magkaibigan lang kayo pero halos ginagawa niyo yung sa mga nakikita mo sa mga taken no?



♥ May holding hands.
♥ May akbay.
♥ May cuddle moment.
♥ May kiss sa cheeks.
♥ Sabay lagi umuwi.
♥ Palaging kasama.
♥ Kasabay lagi kumain.
♥ Kapag manunuod ng Sine palaging magkasama.
♥ Palaging magkatext.
♥ Palaging napag share'an ng problema.



Pero hindi pwede maging kayo. Minsan nakakainis yung ganyan no? Tipong anytime pwede siyang kunin ng taong mamahalin niya. Tipong wala kang magawa. Hindi mo naman matanong kung bakit magkaibigan lang ang pwede sa inyo kung ganun na yung ibang mga taong bago lang niya nakikilala eh nagagawa niyang mahalin. Ayaw mo naman sabihin yun dahil ayaw mo siyang mailang sayo at masaya ka naman sa nangyayari sa inyong dalawa. Pero minsan diba? Gusto nating sabihing tayo na lang oh? Na kaya mo naman siyang alagaan din. Ayaw mo kasi siyang nakikitang malungkot dahil paulit ulit na lang siyang nasasaktan. Hirap ng ganung role no? May lugar ka sa kanya. Pero sa lugar ng mga kaibigan lang.


Quotes Nating LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon