♥ Araayyyyy! Mahirap maghintay!

71.7K 348 49
                                    

 

"Don't make me wait just because you know i will"-  wattpad

"Kung minsan, madaming magagandang bagay ang dulot ng paghihintay." -Juan Tamad  

"Dapat pag-naghihintay ka, nag-hihintay ka lang. Hindi yung may inaasikaso kang iba habang hinihintay siya"- tumblr BOOM!

--------------------


Nakakalungkot maghintay.

Masuwerte ka kung ikaw ang hinihintay. Kasi hindi ka naman siguro hihintayin ng isang tao kung hindi ka mahalaga sa kanya. Hindi ka naman siguro pag-aaksayahan ng oras, araw o taon ng isang tao sa paghihintay sa iyo kung wala ka namang kwenta sa kanya. Kaya masarap sa pakiramadam ‘yung alam mong may taong naghihintay sa iyo, kasi ibig sabihin nun, mahalaga ka at kaya niyang maghintay para sa iyo.

Pero kung ikaw yung maghihintay, nakakalungkot. Kasi habang naghihintay ka, mapapatanong ka sa sarili mo kung tama bang maghintay ka, o kung may hinihintay ka nga ba. At kung mahalaga ka din naman sa taong hinihintay mo, hindi ka naman niya siguro hahayaan na maghintay ng matagal.

--------------------

Paghihintay.

Wag ka masyadong maghintay ng matagal.

Lagi mong iisipin na maaaring may naghihintay din sayo na isang bagay. Kasi kung maghihintay ka lang, hindi ka uusad. Hindi ka uunlad. Hindi ka mag-i-improve. Hindi ka ma-de-develop. Kung maghihintay ka lang, walang ibang mangyayari.

--------------------

PINAKAMAHIRAP NA FEELING SA MUNDO?

Yun yung hindi mo alam kung DAPAT BANG MAGPATULOY KA SA PAGHIHINTAY O DAPAT MAGMOVE ON/ MOVE FORWARD KA NA.

Yun yung pakiramdam na sobrang hating hati yung sarili mo. Gusto mo magmove forward pero natatakot ka na baka pag umalis ka sa pwesto na kinalalagyan mo biglang dumating yung hinihintay mo. 

Pag patuloy ka namang naghihintay minsan maiisip mo napagiiwanan ka na ng panahon. Pang hihinayangan mo yung mga nasayang na oras. Yung mga oras na pinaghintay mo sa pinakagusto mong mangyari pero mauuwi na lang talaga ang lahat sa wala.

Lagi nilang sinasabi “kailangan mo lang magtake ng risk". “Kailangan mong magsakripisyo, sinusubukan lang ang haba ng pasensya mo kung hanggang kailan mo kayang maghintay."

Pero hanggang saan? Hanggang kailan? Hanggang kailan ba talaga dapat maghintay? At kailan ba talaga ang tamang oras para magmove forward? 

--------------------

A/N: kayo ba may Hinihintay din ba kayo? Sana lang may mapala tayo sa mga taong hinihintay natin noh. haha :)

Quotes Nating LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon