MADAKIP

565K 17.9K 32.3K
                                    


JIJI LANG PALA YUNG LAST. ETO PALA ANG LAST.

"NOONA?NANGIBABAW sa buong bahay ang boses ni Maxrill. "Noona?" Nang walang sumagot sa unang pagtawag ay mas hinabaan nito ang pagtawag, nagbabaka-sakaling makikita ang nakatatandang kapatid. "Noona, meokuebshida!" lalo pa nitong hinabaan iyon, niyayaya ang kapatid na kumain.

Hindi napigilan ng cheotjae na matawa sa inasal nito. "Halika na rito at maghahapunan na tayo, Maxrill Won," anyaya niya rito. "Wala riyan ang kuya at ate mo."

"Oh?" rumehistro ang gulat at pag-aalala sa mukha ng bata.

Natawa lalo ang cheotjae"Halika na, kakain na tayo."

Matagal na nagpapalit-palit ng tingin si Maxrill sa pintuan ng kwarto nina Maxpein at Maxwell. Sabik parating kumain si Maxrill. Ngunit nang sandaling iyon ay matamlay ito at kailangang subuan. Noon na lang uli kasi sabay na nawala ang ate at kuya nito.

"Isang linggo lamang mawawala sina Maxpein Zin at Maxwell Laurent, Maxrill Won," nakangiting anang chairman. "Huwag kang mag-alala sapagkat nasisiguro kong mayroon kang pasalubong na makukuha. Hindi ka malilimutan ng dalawang iyon. Isa pa ay naroon si Maksimo. Iyon ang may pinakamaraming ipasasalubong sa iyo." Sa kabila ng magagandang sinabi ng chairman ay hindi nagbago ang pagkakasimangot ni Maxrill.

"Hindi magugustuhan ng ate at kuya mo kapag nakasimangot ka, anak," sabi ni Maximor.

"Kailangan mo nang masanay nang wala ang pinakamataas na rango at ang kuya mo, Maxrill Won," mahigpit na ani Maze. "Mag-aaral sa malayo ang dalawang iyon." Napatingin dito ang chairman at si Maximor, hindi inaasahang magiging ganoon kadirekta nitong sasabihin ang katotohanan.

Lalong bumalatay ang lungkot sa mukha ni Maxrill, natigilan sa pagnguya, nakalabas pa ang isang parte ng isdang isinubo rito. Napabuntong-hininga naman ang mommy nito.

Hindi naging tahimik ang hapunan nila nang gabing iyon dahil umiyak si Maxrill Won. Kahanga-hangang kahit na anong pagluha at pagdarabog nito ay panay rin ang subo at nguya. Ito lamang ang nakagagawa niyon.

"Mawalang galang na po, cheotjae." Pare-pareho nilang hindi inaasahan ang pagtuloy ng rango na nasisiguro nilang kawal mula sa palasyo ng Monarkiya. "Magandang gabi po, cheotjae."

Nakaluhod ang isang tuhod ng kawal. Nakapatong naman sa isa pa ang siko nito. Hindi nito sinasalubong ang kanilang tingin, senyales ng paggalang. Sa kamay nito ay naroon ang nakarolyong papel na nasisiguro niyang sulat.

Awtomatikong tumingin sa kawal ang cheotjae. Napabuntong-hininga siya sa kasuotan nito, unipormeng pandigmaan. Iyong mabigat, gawa sa matitibay at mamahaling bakal. Ang espada at iba pang armas nito ay naroon sa magkabilang tagiliran.

Saka pa lang tumingin sa labas ang cheotjae. Gabi na, ano ang dahilan nito para pumarito? "Bakit naparito ka?" tanong niya.

Noon lang tumayo ang kawal saka naglakad papalapit sa hukom. Magalang ngnunit nanginginig nitong iniabot ang nakarolyong papel. "Heto po ang sulat na ipinabibigay ng palasyo ng Monarkiya, mula po sa hari at reyna." Maging ang tinig nito ay bahagyang gumagaralgal.

Napatingin ang cheotjae sa myembro ng kaniyang pamilya bago tinanggap iyon. Tumikhim ang chairman nang magsimula ang cheotjae na basahin ang nilalaman niyon. Napabuntong-hininga siya nang muling irolyo iyon at ilapag sa mesa. Noon ay alam niya na kung bakit ganoon ang suot ng kawal.

"Naghihintay na po sa labas ang mga kawal na makakasama natin, cheotjae."

"Maghahanda lamang ako at susunod," mabigat man ang loob ay hindi iyon ipinahalata ng cheotjae.

MOONWhere stories live. Discover now